Kylie Padilla, may rebelasyon kung anong pangit na ugali niya noon ang binago ni Baby Alas

Kylie Padilla, may rebelasyon kung anong pangit na ugali niya noon ang binago ni Baby Alas

- Nag-kuwento si Kylie Padilla kung paano naiba at nagbago ang kanyang buhay ngayong mommy na siya

- Ikinumpara niya ang kanyang buhay noong single pa siya ngayong meron na siyang Baby Alas

- Binahagi rin niya kung paano siya binago ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming nagbago sa buhay ni Kylie Padilla ngayong meron na siyang sariling pamilya.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi niya kung paano nagbago ang buhay niya simula ng maging mommy kay Baby Alas.

Ayon sa ulat ng GMA, sa panayam ni Kylie sa 'Tonight With Arnold Clavio,' ay sinabi niya kung gaano siya kasaya ngayong meron na siyang anak, "Iba, ibang experience, pero siguro ang masasabi ko, hindi lang blessing it's bigger, sobrang saya ko. Never ko naisip na ito pala ang feeling ng pagiging mom."

Sinabi rin ng celebrity mom kung anong pangit na ugali niya noon ang nabago ng kanyang pagiging ina.

"Siguro [nagbago] 'yung pananaw ko sa buhay. Medyo selfish ako nun, eh. You know, the twenties. 'Pag ganun ka, you know, it's all about you.

"And hindi ko lang siya na-a-apply sa pagiging mommy, na-a-apply ko rin siya kung paano ko makita ang mundo... Siguro sasabihin ko siya 'yung naging purpose ng buhay ko, si Alas. 'Yung may direction. Wala, masaya ka na."

Naging emosyonal din si Kylie habang kinukuwento na nakita na niya sa panaginip si Baby Alas bago pa ito ipanganak.

"Oo kasi, alam mo ba, nung wala pa siya, nakikita ko na siya sa dreams ko. Kaya nung dumating na siya, [sabi ko] 'My God, ito na 'yun.'"

Pormal na ipinagpaalam ni Aljur Abrenica kay Robin Padilla, ang intensyon niyang pakasalan si Kylie Padilla, noong February 18. Nang mag-guest si Aljur sa 'Tonight With Boy Abunda,' sinabi niya na pinaghahandaan na nila ang kanilang kasal.

Ang anak nina Aljur at Kylie na si Alas Joaquin, ay ipinanganak noong August 4, 2017. Nagsimula mag-date ang dalawa noong 2011, pero naghiwalay sila ng 2014. Nagkabalikan naman sila noong September 2016 at na-engage noong January 2017.

Every movie title can be funny! We can prove it! In this episode of HumanMeter, we will go in the streets of the Philippines and… won’t ask people tricky questions! Today we will ask them to replace one word in any movie title with the word "fart". Are you ready to hear more unusual movie titles?

Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ina Raymundo’s kasambahay is super lucky to be working for her!

Ina Raymundo’s kasambahay is super lucky to be working for her!

Ina Raymundo’s kasambahay is super lucky to be working for her!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel