Mister, binahagi kung paano gumaling ang misis 
sa kakaibang sakit na dumapo habang siya ay buntis

Mister, binahagi kung paano gumaling ang misis sa kakaibang sakit na dumapo habang siya ay buntis

- Binahagi ni Limuel Orense De Silva kung paano nila napagtagumpayan ng kanyang misi ang isang matindign dagok sa kanilang buhay

- Nagjkaroon ng isang kakaibang karamdaman ang kanyang misis na tinatawag na Guillain Barre Syndrome kung saan naparalisa ang katawan nito

- Buntis pa ang misis ni Limuel na siyang nagpatindi ng hirap ng kanyang kalagayan, kalaunan, nawala rin ang bata sa sinapupunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sabi nga sa seremonya ng kasal, "In sickness and in health" . Ito ang tinupad na pangako ni Limuel Orense De Silva sa kanyang misis.

Setyembre ng taong 2017 nang ikinasal sina Limuel at apat na buwan lang matapos ang kanilang sumpaan, tinamaan na ng Guillain Barre Syndrome ang kanyang misis.

Nalaman ng KAMI na tatlong buwan pa lang buntis noon ang kanyang misis nang tamaan ng sakit, kaya naman lubhang napakahirap ng sitwasyon para sa kanila dahil dalawang buhay ang kanilang isinasalba.

Sa kasamaang palad, di rin kinaya na ng sanggol sa sinapupunan ng misis ni Limuel marahil dahil sa paralisado ang buong katawan nito.

Ayon sa Pilipino Scoop, Bagaman at binalot sila ng matinding lungkot sa nangyari, pinagtuunan na lang ni Lemuel ang paggaling ng Misis.

Di niya talaga ito sinukuan kahit pa may butas na ang kanyang leeg kung saan na siya humihinga.

Halos hindi na rin daw naisasara ng maayos ng kanyang misis ang mata nito dahil tuyo na ito.

Tanging ulo na lamang noon ang naigagalaw ng Misis ni Limuel, at buong katawan niya ay baldado na.

Pero di sumuko ang mga-asawa, matapos ang ilang buwang gamutan, pinayagan na silang makauwi ngunit tuloy pa rin ang gamutan.

Dumaan sa therapy si Misis kung saan unti-unti na niyang naigagalaw ang mga kamay. Wala na rin ang tubo na nakakonekta sa kanyang leeg para siya ay makahinga.

Tuloy tuloy lamang ang gamutan, at dahil sadyang may kamahalan ito, gumagawa na rin si Limuel ng mga improvised devices na pwedeng mgamit ng misi niya bilang therapy.

Maituturing na isang milagro ang nangyari sa misis ni Limuel.

Dahil sa matinding pananampalataya at dasal, at dahil na rin sa pagmamahal at tiwala nila sa isa't isa, unti unti nang bumabalik sa normal ang kalagayan ng misis ni Limuel.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento.

Can you keep up? tness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel