Avisala! Nagsanib puwersa ang mga orihinal na Sang'gres ng 'Encantadia' sa bagong proyekto

Avisala! Nagsanib puwersa ang mga orihinal na Sang'gres ng 'Encantadia' sa bagong proyekto

- Sabi nga nila walang katulad ang orihinal, sila ang apat na mga pinapipitagang aktres na unang gumanap sa mga papel sa apat na pinakasikat na karakter sa telebisyon ang mga sang'gres.

- Lahat ng nanood ng orihinal na 'Encantadia,' alam na alam ang apat na sang'gres at ito'y sina Amiha, Alena, Danaya, at Pirena na ginagampanan nina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon.

- Ngayon ay magsasanib puwersa naman para sa isang bagong, malaking proyekto sa online world.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magandang balita sa mga fans ng orihinal na cast ng 'Encantandia' na sina Iza, Karylle, Diana, at Sunshine Dizon dahil sa bagong proyekto na pinagsasamahan ng apat na mga magagandang aktres.

Kaya 'Asshenti!' o makinig dahil talagang KAMI rin ay namangha sa balitang ito.

Ayon sa balita na nakuha namin sa 'PEP,' gagawa ng online project ang apat na sang'gre kasama ang direktor ng 'Encantadia' si Direk Mark Reyes.

Ito daw ay ang proyekto na gagawin nila para sa 'iFlix.'

Isang pelikula daw mula sa tunay na buhay ang inihahanda ng mga sang'gres para sa atin lahat.

Sa katunayan ay nagshare nga ang apat na aktres ng kanilang mga pictures sa nasabing pag-uusap sa 'Edsa Shangri-la.'

Ayon naman sa nagsulat na si Noel Ferrer, tinanong nya daw ang talent nyang si Iza Calzado tungkol dito pero heto lang daw ang sinabi ng aktres:

“We are all excited for our upcoming project especially since it will be our first time to be producers.”

Ngayon ay hindi lang sila aktres kung hindi isa din silang producers na.

Kaya magsasaya talaga ang mga tagahanga ng 'Encantadia' at sa apat na aktres na sina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon.

At sigurado din kami na magiging hands-on silang apat dito.

Kinumpirma din ni Direk Mark Reyes sa kanyang IG ang nasabing collaboration nila

Hindi napigilan ng mga fans na magcomment sa project na ito sa apat na aktres at ang mga orihinal na mga sang'gres.

Ito ang ilan sa mga comments nila:

"My all time favorite Sanggre. Love to see you 4 in a movie or in tv together again"
"Ang magkakapatid na Sangre..Ang gaganda ninyong 4"
"Wow..paborito ko po kayong apat. Sana magkaron ng meet & greet , kumpleto kayong apat. We miss you Sanggres ! (emoji) Avisala Eshma! "
"Ang mga mgagandang original sangres i miss you po n mkta n mgkakasama sa iisang teleserye or drama"
"OH MY! MANONOOD TALAGA KAMI NITO... Encantadia Fever"
"More than anything... I think I love the friendship that was built "

Sina Diana Zubiri, Sunshine Dizon, Iza Calzado at Karylle ay talagang nakilala at sumikat ng husto sa fantaserye ng 'GMA-7' ang 'Encantadia.'

Bago pa ginampanan nina Kylie Padilla, Gabby Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro ang mga papel na mga sang'gres na sina Amihan, Alena, Dayana at Pirena, respectively, ay una na itong ginampanan nina Iza, Karylle, Diana, at Sunshine Dizon

Want to get those sexy fits from the beautiful sang'gres?

Watch the video below to keep us fit, healthy, and well

Watch more inspiring videos on BeKami YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento

Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento

Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel