Kris Aquino, inakusahan si James Yap ng pagiging kuripot sa anak nilang si Bimby

Kris Aquino, inakusahan si James Yap ng pagiging kuripot sa anak nilang si Bimby

- Nag guest si Kris Aquino sa Cristy Ferminute

- Sa kaniyang interview, sinabi ni Kris na kuripot daw si James Yap sa anak nilang si Bimby

- Isa raw sa naging regalo ni James kay Bimby ay medyas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gumawa ng ingay si Kris Aquino sa guesting niya sa programa ni Cristy Fermin na “Cristy Ferminute” ng Radyo Singko 92.3 News FM.

Nalaman ng KAMI na may mga banat si Kris sa dati niyang asawa na si James Yap sa programa.

Isa sa mga banat niya sa basketball player ay ang di umano’y pagiging kuripot nito pagdating sa kanilang anak na si Bimby Aquino-Yap, ayon sa eport ng PEP.ph.

Ayon kay Kris, socks ang iniregalo ni James noon kay Bimby kahit malaki ang nakuha nitong pera nang i-annul ang kasal nila.

“You don’t have to give us—or not us—you don’t have to give Bimb a big amount. But sa laki ng nakuha mo, socks ang niregalo mo sa bata?

“So, pasensiya na, ha. Sorry, lahat na ng baho ilabas na natin ngayon. Kasi until now, yung mga naka-witness nun, natatawa pa rin,” sabi ni Kris.

Ayon pa sa Queen of All Media, 2016 pa raw nang huling magbigay ng birthday gift si James kay Bimby at ito raw ay dahil nabayaran siya ng malaki sa pag-endorso kay Presidential candidate na si Mar Roxas.

Nag-komento rin si Kris na hindi tumutulong si James sa pagpapa-aral sa bata.

“Tapos nung birthday… the last gift though was a Louis Vuitton backpack… 2016.

“April 2016 na birthday. Kasi, di ba, nangampanya siya kay Mar [Roxas]? E, bayad siya dun, e. So pinambili, thank you.

“So, there. That was the last. And under the compromise agreement, kung gusto kong gumawa ng gulo… nakalagay kasi dun na 50-50 sa education,” sabi pa ng actress-host.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Fitness Challenge: Can you keep up? Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a university student in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. – on BeKami YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel