Usap-usapan ngayon ang video ng isang OFW na pinapakita ang pinagdadanang hirap

Usap-usapan ngayon ang video ng isang OFW na pinapakita ang pinagdadanang hirap

- Hindi kaila ng marami na mahirap talaga ang maging isang 'OFW' dahil ikaw ay naninirahan sa bansang dayuhan at hindi mo alam kung ano ang maaaring mangyari sayo doon.

- Ito ay lalo na pag isa kang domestic helper dahil lahat ng gawain sa bahay at kung ano-ano pa ang pwede mong gagawain ay gagawin mo talaga.

- At sa pagsasalita tungkol dito, isang DH sa Middle East ang nagbahagi ng isang video sa Facebook na nagviral na ngayon tungkol sa kanyang buhay nya na nagtatrabaho at naninilbihan sa dayuhang amo sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang netizen na si Waper Sarah sa kanyang Facebook account ay ang OFW na nasa Riyadh, Saudi Arabia ngayon na nagbahagi ng video sa pinagdadaanan nya bilang domestic helper sa Middle East.

Ginawa nya ang video na ito ay para daw paaalahanan ang kanyang pamilya at iba pang pamilya na may kamag-anak sa ibang bansa na nagtatrabaho ng DH na sumusuporta sa kanila na pahalagahan ang perang pinapadala nila dahil hindi biro ang kanilang trabaho sa ibang bansa.

Naispatan ng KAMI ang video sa kanyang page na nagtrend dahil sa hirap ng trabaho nya sa Riyadh at sa madamdaming hugot niya sa mga pamilya na nag-aabang ng sustento nila.

Hindi kaila ng marami na totoong istorya ito ng buhay ng isang OFW at ang pamilya nila sa Pilipinas.

Merong iba na maswerte sa pamilya nila dahil marunong magdala ng pera na pinapadala nila pero ang malungkot ay meron din ibang kapamilya na tila hindi inaantala ang sitwasyon ng kanilang kamag-anak sa ibang bansa at waldas ng waldas na lang ng pera.

Panoorin nyao ang naturang video sa baba

Umabot na sa halos kalahating milyon ang views ng nasabing video at libu-libong shares at reaksyon at daan-daang comments galing sa netizens.

At ayon sa kanyang caption:

"Buhay DH sa Middle East. Ilan lang po yan sa Gawain namin everyday add pa yung dakdak ni madam. Kaya sana sa pamilya naiwan sa pinas pahalagahan nyo bawat riyal na pinapadala sa inyo. Ginawa ko tong video na to para aware kayo sa kalagayan ng kamag anak nyo na nagtatrabaho bilang DH dito sa Middle East. Mabuhay tayo!"

Nakakalungkot isipin na kailangang mahiwalay sa pamilya para lang sila buhayin at mas nakakapanlumong isipin na may ibang pamilya na nagwawaldas lang ng pera na pinaghirapan ng kanilang OFW na asawa, ina, anak, kapatid, pinsan, o kamag-anak

To brighten up your day, watch nyo na lang itong video sa baba para maging healthy at sexy

Watch more inspiring BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel