Riot to! Paolo Contis gustong makasama si Kuya Wil sa 'Wowowin'

Riot to! Paolo Contis gustong makasama si Kuya Wil sa 'Wowowin'

- Sa episode ng 'Wowowin' ng 'GMA-7' ay bumisita ang kaibigan ni Willie Revillame na si Paolo Contis.

- Nakikita ang huli sa 'Bubble Gang' tuwing Biyernes sa Kapuso Network pa rin at sa pagbisita ng komedyante at aktor ay puro katatawanan ang nangyari sa show ni Kuya Wil noong Miyerkules sa linggong ito.

- Bumibisita na raw si Paolo Contis kay Willie at ngayon ngay' nagco-host ang aktor sa show ng huli dahil ayaw daw nito na napapagod ang kaibigan at namamaos ang TV host noong oras na iyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong Miyerkules, June 6, 2018, ay bumisita ang 'Bubble Gang' star na si Paolo Contis sa kaibigan nitong si Kuya Wil sa 'Wowowin.'

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng suporta at alalay ang nasabing komedyante at aktor sa sikat na TV host dahil na rin sa pamamaos ng boses nito.

Sa nasabing episode ay unang pinapakilala ni Willie si Paolo sa kanyang audience at mga tagahangang nanood sa kanya sa TV.

Bago pinakilala ni Kuya Wil si Paolo sa tao ay nagsabi na ito na napapagod daw siya at nagpatuloy sa pagpapakilala sa huli na napapanood ng mga tao siya sa 'Bubble Gang' at kilala ito bilang Don Cantoni sa show.

Dagdag pa ni Kuya Wil:

"Si Paolo, mabait ito, laging dumadalaw sa atin."

Nagpaliwanag naman si Paolo Contis kung bakit nya binibisita si Kuya Wil at sabi nito:

"Namamaos, e. Baka kinabukasan, wala nang boses. Kawawa naman. Naaawa na ko, e."

At sinabi pa ng aktor na ayaw daw niya na napapagod ang TV host kaya nandoon daw sya para alalayan ang huli.

Sa oras na ito ay lumabas ang kapilyohan at palabiro ni Paolo Contis at sinabi na:

"Sa kabila pa lang, gusto na kita alalayan."

Dugtong pa ng aktor na papasok na daw siya ay lumabas si Kuya Wil kaya naghintay na lang sya sa 'GMA' dahil alam daw nito na pupunta siya sa Kapuso.

Sinabayan ito ng nakakatawa na aksyon at hitsura ni Paolo kaya naman natawa na lang si Willie.

Pabirong sabi ni Paolo contis kay Kuya Wil:

"Kaya nauna na ako dito [sa GMA-7] kasi alam ko, dito ka rin pupunta. Huwag ka na aalis ha."

Dito rin ay tinanong ni Willie ang mga tao kung gusto ba nilang makasama si Paolo sa 'Wowowin' at ang nakakatawang tugon ng aktor tungkol dito ay:

"Ito pinapangako ko sa inyo, kung maging regular ako dito, mas palalakihin ko pa ang mga premyo!"

Kaya nagtanong din si Kuya Wil sa kanya:

"Gusto mong palakihin ang mga premyo? Sa iyo ba manggagaling 'yan?"

At ang laughtrip na sagot ni Paolo:

"Siyempre, hindi."

Sabay tawanan ang dalawa pati ang audience at ang lahat ng tao sa audience.

Unang lumabas ang kwentong ito sa 'PEP.'

Panoorin ang nasabing episode sa taas

Matatandaan na si Willie Revillame ay galing sa 'ABS-CBN' at unang sumikat ang kanyang show sa Kapamilya network na ang pamagat pa noon ay 'Wowowee.'

Si Paolo Contis din ay produkto ng 'Ang TV' sa Kapamilya

For more good vibes video, watch the video below to keep you healthy, fit, and well

Watch more BeKami videos and get inspired on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel