'Heart for Hunter Fenix' ang hiling ng isang magulang para sa anak

'Heart for Hunter Fenix' ang hiling ng isang magulang para sa anak

- Isang magulang ang humihingi ng inyong dasal na sana'y mahanapan ng puso ang sanggol na anak na may 'Hypoplastic Left Heart Syndrome (HLHS),' isang bihira at seryosong depekto sa puso o Congenital Heart Defect (CHD)' na sa ngayon ay wala pang nakakaligtas sa Pilipinas.

- Si Hunter Fenix ay nabuo sa pamamagitan ng 'In Vitro Fertilisation o IVF' noong Oktubre ng 2016 at inilipat sa sinapupunan ng mommy nya noong Hulyo 2017.

- Lahat ay okay naman daw hanggang sa ika 31st week ng pagbubuntis ng mommy nya at doon daw na diskubre na meron si baby Hunter ng naturang depekto sa puso.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Facebook page nga ang dini-dedicate kay baby Hunter Fenix na may pangalang 'Heart for Hunter' na nagtrend na ngayon.

Ang mga netizens naman ay nagtatanong bakit daw sa isang walang kamuang-muang na sanggol pa ito nangyari.

Pero ayon nga sa mga magulang ni baby Hunter alam nilang alam ng Panginoon kung ano ang ginagawa Niya at ginagawa niya ito dahil sa pagmamahal.

"I know He knows what He is doing and He is doing it out of love. He is a great and good Heavenly Daddy you know."

Si Hunter ay naconceived o nabuo sa pamamagitan ng isang proseso ngpagpapabunga sa pamamagitan ng pagkuha ng mga itlog, pagbawi ng sample ng tamud, at pagkatapos ay manu-manong pagsasama ng itlog at tamud sa isang lalagyan sa laboratoryo.Pagkatapos ay ang (mga) embryo ay mailipat sa matris ng babae, ayon sa 'American Pregnancy Association.'

Ito ay ang tinatawag na 'In vitro fertilisation o IVF.'

Noong June 6, sa taong ito ay ika 12 weeks na ni baby Hunter at dahil daw sa sitwasyon niya ngayon ay umaasa sila sa dasal, panalangin, at tulong ng lahat na sana nga'y magkaroon ng bagong puso siya.

Ngayon ay nasa 'University of Florida Health Shands Children's Hospital' para sa paggamot ni baby Hunter.

Ang orihinal na plano daw ng mga doktor ay magkakaroon sya ng tatlong surgeries.

Ang una ay ang tinatawag na 'Norwood' na gagawain dalawang linggo ng pagkaanak ni baby Hunter.

Ang susunod ay ang 'Glenn' na gagawain 4 to 6 months pagkatapos ng 'Norwood' at 2 to 3 years later ay ang pangatlong surgery na 'Fontan.'

Pero dahil daw sa mga komplikasyon sa kanyang heart disease ay hindi din makakatulong ang tatlong surgerys kung ang kalahati ng kanyang gumaganang puso ay titigil din kaya naman kailangan ni Baby Hunter ng isa 'HEART TRANSPLANT ASAP.'

Nabigyan si Hunter ng 'Berlin Heart' noong April.

Ito ay ang tanging panlabas (external) na artificial heart device sa mundo para sa mga sanggol at ito'y tumutulong ngayon sa sanggol na tumulong sa kanyang puso pero kung ang kalahati nga ng puso nya ay titigil, ito daw ay ang siyang papalit sa functions ng puso nya.

Ang hiling ng mag-anak ay ang taimtim na asal na sana ay makakita na si baby Hunter ng puso na magmatch sa kanya at para makauwi na din sila sa Pinas.

At doon naman daw sa gustong tumulong ay pwede iabot daw ito sa www.ccf.org.ph/give/ at sabihin lang daw it ay para kay Hunter Fenix sa comments section.

Pero wala ng hihigit pa sa inyong panalangin na sana nga'y makuha na ni baby Hunter ang isang pusong malusog.

Sana raw ay matapos na si God sa kanya dahil nga'y siya ay makakagawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng mga tao.

Ika nga, 'Thy will be done.'

"Most of all, please pray that God's will be done in my life so that He will be honored above all. I know my Heavenly Daddy can heal me supernaturally any time He wants but mommy, daddy, and I know He knows what He is doing and He is doing it out of love. He is a great and good Heavenly Daddy you know."

Bumuhos din naman ang prayer brigade at suporta para sa anghel na si baby Hunter.

There's no greater power than prayer.

Let's all pray for baby Hunter Fenix and God bless him and his mom and dad.

Just to let us feel better after learning baby Hunter's condition, we at KAMI would like to share this video for all of us to keep us healthy, fit, and well.

To watch more BeKami YouTube videos, click here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin