Jessica Sanchez, nagsalita na sa isyu tungkol sa diumano'y pagsapaw sa kanya ni Morisette Amon

Jessica Sanchez, nagsalita na sa isyu tungkol sa diumano'y pagsapaw sa kanya ni Morisette Amon

- Nagsalita na ang international singer na si Jessica Sanchez tungkol sa isyung kinasangkutan niya at ni Morisette Amon

- Dinipensahan nito si Morisette dahil ayon sa kanya ay hindi naman daw iyon kompetisyon

- Pinuri pa nito si Morisette dahil sa galing sa pag-awit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap=usapan ang naging duet nina Morisette Amon at Jessica Sanchez kamakailan dahil sa tingin ng ilang viewers ay sinapawan ni Morisette si Jessica sa kanilang Stone Cold performance sa ASAP noong May 27.

Dinepensahan naman ni Jessica si Morisette mula sa spekulasyong ito.

“I think people take it the wrong way,” saad ng international star sa kanyang panayam sa PEP.

“It was never a competition, it was a duet.

“We're two different singers and she's just absolutely amazing.

Ayon pa sa kanya ay isang karangalan ang makasama si Morisette na kumanta.

“I was very honored to sing with her.

Nagpasalamat din siya kay Morissette at sa ASAP.

“Thank you, Morissette, for having me.

“Thank you, ASAP, for having me on stage but it was never a competition.”

Dalawang Linggo na rin daw siyang guest sa nasabing show.

“They invited me last week.

“It was an awesome performance with Morisette, so I decided I like to come back and see the crowd again. It was awesome.”

Unang nakilala si Morisette nang sumali siya sa The Voice of the Philippines taong 2013 sa Kapamilya network. Napasama siya sa team ni Sarah Geronimo.

si Jessica Elizabeth Sanchez ay nagmula sa California at kilala sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa kanyang husay sa pag awit nang sumali siya sa America's Got Talent

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel