KZ Tandingan, sinabihan si Edward Barber na “maghanap ka na lang ng iba”

KZ Tandingan, sinabihan si Edward Barber na “maghanap ka na lang ng iba”

- Ipinaliwanag ni KZ Tandingan ang naging isyu sa kanyang biro kay Edward

- Paliwanag ng dalaga, sila ni Maymay ang nagbibiruan at nabiro niya lang si Edward dahil sa pang-aasar ni Maymay Entrata

- Binigyan naman ito ng ibang kulay ng ibang fans

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaliwanag si KZ Tandingan matapos naging isyu ang naging biruan nilang tatlo nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Paliwanag niya, naglolokohan sila ni Maymay nung mga oras na iyon.

“Actually every time pumupunta ako sa ASAP Chillout, kalokohan ko talaga sina Maymay at lalong lalo na si Kisses. Si Kisses talaga palagi naming inaalaska. ‘Yung time na ‘yun kakanta na dapat ako ng “Nagiisa Na Naman” tas nakatayo na ako, niloko ako ni Maymay. ‘Ate KZ, tayo ka na’ ay nako masama ugali nito sabi ko kay Edward, ganyan,”

Tinutukso kasi ni Maymay siya dahil sa kanyang height.

“Kasi niloloko niya ako na tumayo na ako eh nakatayo na ako. Kasi nga ‘di ba maliit ako? So parang walang kaibahan ‘yung nakatayo na ako tapos sabi niya ‘ay joke lang, joke lang’. Sabi ko ‘Ay nako Edward maghanap ka na lang ng iba’. Meron kasing iba na sumasawsaw lang dun sa issue na hindi naman nila pinanuod ‘yung unang video,”

Ipinahayag din ni KZ na ang mga gayong jokes ay natural lang lalo na sa kagaya nilang mga Bisaya.

Napag-usapan din daw nila ni Maymay yun, “So nung naglalabasan na ‘yung issue, nagtitweetan na kami ni Maymay. Sabi ni Maymay ‘Ay nako ate natawa na nga lang din ako kasi ’di nila nagegets ‘yung vibes ng mga bisaya ganyan, ganyan,”

Minasama iyon ng ilang MayWard fans dahil di naman daw nila napanood ang kabuuan ng video.

“Kasi kung papanuorin mo talaga ‘yung whole video, asaran lang talaga kami hanggang sa matapos asaran lang talaga kami. Lalo na nung pa-ending na, nung nasa harap nila ako lahat. Ako ‘yung pinakamatanda pero ako pinakamaliit,”

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel