Ano ba talaga? May paliwanag si Empress Schuck kung bakit siya nakikita sa iba't-ibang TV networks

Ano ba talaga? May paliwanag si Empress Schuck kung bakit siya nakikita sa iba't-ibang TV networks

- Empress Schuck parehong nakikita sa dalawang tanyag na TV network

- Aktres masaya at nakabalik pa sa industriya pagkatapos manganak

- Empress ipinaliwanag kung bakit may shows siya sa ABS-CBN at GMA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagbalik telebisyon ang aktres na si Empress Schuck pakatapos niyang magpahinga sa showbiz dahil sa kanyang panganganak. Ngunit ipinagtaka ng netizens kung bakit pareho siyang nakikita sa ABS-CBN at GMA.

Ayon sa aktres, siya ay isang freelance artist kaya pwede siyang tumanggap ng kahit ano mang proyekto galing sa iba’t-ibang istasyon.

Nilinaw ni Empress na wala siyang pinirmahang kontrata kaya naman maari siyang magdesisyon kung saan niya gustong magtrabaho. Malaya din siyang pumili ng mga proyekto na walang linalabag na kontrata.

Ayon sa Pep.ph, masaya ang aktres na naging matagumpay ang kanyang pagbabalik sa showbiz pagkatapos niyang ipanganak ang kanyang panganay na babae. Saad ni Empress, hindi niya inaasahang magkakatrabaho pa siya pakatapos ng kanyang pagliban sa industriya.

Dagdag pa ng aktres, hindi niya ugali ang sumagot o magbigay komento sa mga sinasabi ng netizens ngunit nagbigay pa din siya ng paliwanag patungkol sa pagiging isang freelancer. Ani niya, marami ang hindi pa nasasanay na manunood na may mga freelancer din na artista kaya siguro nalilito sila kung bakit kahit sa anong channel, nakikita nila ang mga ito.

Si Empress Schuck ay nakilala bilang isang child actress. Siya ay napabilang sa teleseryeng Asintado na pinapalabas sa ABS-CBN tuwing hapon.

Gusto mong bang sumaya dahil lang sa isang salita? Pwede mo na itong maranasan kung papanuorin mo ang nakakatuwa at nakakatuwang bidyu na ito. Kung gusto mong palaging updated tungkol sa mga viral biyos at kwento o gusto makatanggap ng mga breaking news, dito kana sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Imelda Marcos and Margie Moran exude ageless beauty with their recreation of iconic photo

Imelda Marcos and Margie Moran exude ageless beauty with their recreation of iconic photo

Imelda Marcos and Margie Moran exude ageless beauty with their recreation of iconic photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel