Dugo at pawis ang puhunan ng isang OFW makapagpadala lang sa Pinas, nanakawin ng ganun-ganun lang

Dugo at pawis ang puhunan ng isang OFW makapagpadala lang sa Pinas, nanakawin ng ganun-ganun lang

- Isang air and sea freight services company ang inirereklamo ng isang OFW

- Ito ay matapos na manakaw ang laman ng balikbayan box na pinadala niya sa Pilipinas

- Nagalit ang maraming netizens sa walang awang pagnanakaw sa mga kababayan nating OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang OFW ang naglabas ng kanyang galit laban sa isang air and sea freight services company, matapos na mawala ang ibang laman ng balikbayan box na pinadala niya sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na isang Facebook user na may pangalan na Eva Lynn ang nagbahagi ng kanyang kuwento.

Ayon sa kuwento ni Eva, nagpadala siya sa Makati Exress Cargo noong May 29 at ikinatuwa naman daw niya dahil June 3 ay dumating na ito agad sa Pilipinas.

Ang hindi niya inaasahan ay may butas na sa gilid ang balikbayan box. Nang tanungin nila ang nag-deliver kung bakit may butas, dahil lang daw ito sa pag-handle nila. Pero ng i-check na nila ang loob ng box ay meron na raw mga nawalang gamit dito.

Ito naman ang post na nakalagay sa Facebook page ng Pinoy Viral Photo/Video, "Sa mga kababayan nating OFW wag na po kayo magpadala ng mga balik bayan boxes at mga pasalubong na may mamahaling gamit sa Makati Express Cargo!, dahil baka matulad kayo dito.. tirador ng mga pinaghirapan ng mga ofw. pls.Share lalo na sa may mga kamag-anak abroad!"

"Mga kabayan nag pa air cargo ako sa makati express nung May 29, ang bilis sana dumating sa Pilipinas dahil June 3 plang andun na agad Eto ang problem.. butas ang box Sabi ng delivery s pag handle lng dw nila.. pero my mga space na s loob n empty alam mo talaga na May mga gamit na nawala... magreport dw sa origin branch di bale nlng kc Nd nmn ma babalik ang mga nawala.. nag post lang ako para maging aware ang iba.. pinag Hirapan ko mga laman Nyan nanakawin nyo lng!" post ni Eva sa Facebook.

Pinapaalala ng KAMI sa ating mga kababayan na OFW, na mag-ingat sa pagpapadala ng mga pinaghirapang gamit sa Pilipinas at baka mauwi lang ito sa wala!

Every movie title can be funny! We can prove it! In this episode of HumanMeter, we will go in the streets of the Philippines and… won’t ask people tricky questions! Today we will ask them to replace one word in any movie title with the word "fart". Let’s start with Mr. and Mrs. Fart… How do you think, would Brad Pitt and Angelina Jolie agree to play in this movie? Are you ready to hear more unusual movie titles?

Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel