Tama naman si Angge! Angelica Panganiban may rebelasyon tungkol sa tama at mali sa mga love teams ngayon

Tama naman si Angge! Angelica Panganiban may rebelasyon tungkol sa tama at mali sa mga love teams ngayon

- Sinagot ni Angelica Panganiban ang tanong kung sino ang pinaka-gusto niya sa mga love teams ngayon

- Meron din siyang maganda at honest na advice para sa kanila

- Natanong din si Angge kung handa na siyang magmahal ulit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naharap si Angelica Panganiban sa isang tanong ng netizen kung sino sa mga love teams ngayon ang pinaka-gusto niya.

Nalaman ng KAMI na bukod sa pag sagot nito ay may hugot din siya para sa mga sikat na love teams.

Ayon sa ulat ng PEP, nitong June 3 ay nakipag-palitan ang aktres ng komento sa mga netizens sa Twitter.

May nagtanong sa kanya ng, "omg! haha sino po bet mo na love team?"

Safe naman ang naging sagot niya at walang binanggit na specific love team, pero matindi ang hugot niya patungkol sa kanila, "Lahat sila. Basta dapat totoo ah. Ang importante kasi, hindi dapat kayo manloko ng tao. Kung kayo, kayo. Kung hindi, wag sila mag imbento. Ang hirap kaya umasa."

Inamin din niya na hindi pa siya handang umibig muli at hanggang crush lang muna raw siya.

"Hindi ko pa kaya please!!! Hayaan niyo ko mag ka crush!!"

Si Angelica Charlson, o mas kilala bilang si Angelica Panganiban, ay nagsimulang sumabak sa showbiz noong siya ay 6 years old pa lang. Kilala rin siya sa kanyang pagganap bilang si Becky sa pelikulang "Sarah... Ang Munting Prinsesa" noong 1995.

Every movie title can be funny! We can prove it! In this episode of HumanMeter, we will go in the streets of the Philippines and… won’t ask people tricky questions! Today we will ask them to replace one word in any movie title with the word "fart". Let’s start with Mr. and Mrs. Fart… How do you think, would Brad Pitt and Angelina Jolie agree to play in this movie? Are you ready to hear more unusual movie titles?

Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel