Takot na takot siya! Pinay OFW, humihingi ng tulong dahil iba ang employer na pumirma sa kanyang kontrata
- Sinubukan nang ireklamo ng OFW ang agency na mali ang pinagdalhan sa kanya na papasukan
- Pinangakuan siya na 3 araw lamang daw ay maaayos na ang papel niya ngunit lumampas na ang 3 araw, maling employer parin ang kanyang pinapasukan
- Takot na takot siya dahil ilang beses niyang nararamdaman na maaring may di magandang mangyari sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sadyang buwis buhay talaga ang mga kababayan nating OFW sa ibang bansa sa tindi ng hirap ng kanilang dinaranas mkapagtrabaho lamang na may mas malaking kita.
Di maiiwasan na minsan pa ay maloko sila ng mga agency na nagpoproseso ng kanilang mga papeles paalis ng bansa.
Gaya na lamang ng isa nating kababayan na si Joan na humihingi na ng tulong dahil mali ang pinagdalhang employer sa kanya.
Maayos sana ang mapupuntahan niyang amo dahil dito namasukan ang kanyang kaibigan.
Ngunit laking gulat niya ng ibang employer ang pumirma sa kanyang kontrata. Dito na nagsimula ang gulo at di natakot si Joan na magreklamo. Sa kasamaang palad wala pa ring aksyon na ginagawa sa kanyang sitwasyon.
Narito ang buong pahayag ng Pinay OFW tungkol sa sinapit niyang panloloko ng agancy.
Nag apply ako sa agency sa pinas papunta Qatar, den nun nalaman friend q na gusto ko mag abroad sinabi nia saken n ako nlang daw papalit kc end of contract na siya sa Riyadh
Kya sinabi niya naman sa amo at agad nman ako nirequest so bale direct hired na ako
Yun employer ko may agency na kinukuhaan ng dh jan sa pinas. Nga lang iba yun agency ko sa gusto ng employer ko

Kasi agency ko na nagpapassport, medical sakin.
Gusto sana nung isang agency n bayaran nlang yun nagasto ng agency ko kasu ayaw nman ng agency ko
Kya wlang nagawa yun employer na nagrequest sakin kundi sa agency ko siya mgbabayad at ginawa nman ng employer ko
Nung ngpirma ako kontrata ibang pangalan nkalagay na employer ko at nireklamo ko nman. Hanggang sa mkaalis ako ang sinasabi madali lang mpalitan. At kailangan ko daw muna magstay sa jeddah for 3days para sa process ng papers ko
At ngaun mag 2weeks na dpa rin nila ako mkuhanan ticket papunta sa Riyadh, always nman pina follow up.
Lagi sinasabi na aackasuhin pero di nman
Take note ansabi sa accommodation ako magstay pero nasaan ako ngaun, nasa employer na nilagay nila sa kontrata ko. Pumayag ako mkaalis dahil sabi nila 3days lang pero walang nangyayari.
All around ako dito sa jeddah , samantala kung sa Riyadh ako Hindi all around. Linis plantsa lang, kaya ngaun bogbog ang katawan ko. 5 anak nila dito, 3malaki na 2 maliit. Ok lang sana kung trabaho kasu hirap din sa pagkain. Kuripot sobra
Ang problema ko di nila ako mailipat.puro sbi bukas, nkailang bukas n wla parin. Sinabi ko na sa agency ko pero wla rin ginagawa
Sana mtulungan niyo po ako
Every movie title can be funny! We can prove it! Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh