May bagong pasaring! Mocha Uson, hindi pa rin natitinag

May bagong pasaring! Mocha Uson, hindi pa rin natitinag

- Patuloy ang patutsadahan ng kampo nina Kris Aquino at Asec Mocha Uson

- Matapos sinabi ni Kris na nanalo si Mocha dahil nasaktan siya nito, muling itong rumesbak

- Ayon sa kanya wala siyang ambisyon sa pulitika kaya huwag daw siyang pag-aksayahan ng oras

Muling bumuwelta si Asec Mocha Uson sa gitna ng bangayan nila ni Kris Aquino. Ayon sa kanya huwag na sana siyang pag-aksayahan ng panahon at wala siyang balak tumakbo sa susunod na eleksiyon.

Kahit wala siyang pinangalanan, tila nagparinig ito kay Kris Aquino, lalo't hinamon siya ng Multimedia star ng harapang sabunutan o debate.

Pasaring pa niya, hindi daw siya attention seeker.

“DEAR MEDIA,

“Huwag niyo na akong pag-[a]ksayahan ng oras niyo. HINDI AKO TATAKBO. Wala akong ambisyon sa pulitika.

“Yung isa na lang ang pansinin niyo. I am not an attention seeker.

“Nandito lamang po ako bilang trabahante ng gobyerno.

“Maraming salamat po.”

Ang video na pinagmulan ng sagutang ito ay nagkukumpara sa kontrobersiyal na halik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea sa paghalik naman ng dalawang babae sa dating Senator Benigno "Ninoy” Aquino, Jr. na ama ni Kris

Matatandaang pinatulan ni Kris Aquino ang pasaring at di uamano'y pambabastos ni Asec. Mocha Uson sa kanyang mga namayapang magulang.

Hinamon ni Kris Aquino si Mocha Uson nang harapang sabunatan o debate, tigilan niya lang ang kanyang paglapastangan sa alaala ng mga yumaong magulang na sina Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at President Corazon "Cory" Aquino.

Inihayag ni Kris ang kanyang galit sa kanyang simultaneous Facebook at Instagram live. “Sobra ka na, e. Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo, mahal na mahal ko.

“Ganito na lang, ha? Diretsahan na, babae sa baabe, gusto mo ng kaaway? “I’m ready. Anytime, anywhere, harapan. “Gusto mag-debate, keri. Gusto mo gawin natin yung eksena sa movie?” Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino.

Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel