Pinay na hiwalay sa unang asawa, agad na nagpakasal sa ka-live in nang malaman na patay na ang kanyang mister

Pinay na hiwalay sa unang asawa, agad na nagpakasal sa ka-live in nang malaman na patay na ang kanyang mister

- Labis ang hirap at pasakit na dinanas ni Daisy Burlas sa kanyang unang mister na mapanakit at mabisyo

- Nakipaghiwalay siya rito at nagkaroon ng live-in partner

- Nalaman na lamang niya na namatay na pala ang mister kaya naman nagpakasal na agad sila ng kanyang mabait na live-in partner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayroon tayong kanyan kanyang mga dahilan bakit di maiwasan ang hiwalayan sa mag-asawang nagsasama.

Isa marahil na mabigat na rason ay kung tila mapang-abuso na ang iyong asawa, mapanakit, ma-bisyo at wala nang respeto sa iyo.

Gaya na lamang ng kwento ni Daisy Burlas na binahagi niya sa KAMI.

Tiniis niya ng labis ang asawa niyang wala nang naitulong sa kanilang pamilya. Pinili nilang maghiwalay at nagkaroon ng kanya kanyang live-in partner.

Nabalitaan na lamang ni Daisy na namatay na ang kanyang mister kaya naman di sya nagdalawang isip na pakasalan ang ka-live in niya na kabaliktaran naman ng kanyang mister at tinuturing niyang superhero ng buhay niya.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Daisy na binahagi sa KAMI.

Dear kami, gusto ko lng ma eshare tungkol sa buhay ko bilang isang ina, at butihing asawa, naranasan ko na ang pait ng buhay ko noong akoy nag asawa, nagka anak,,, di pla biro ang mag karoon ng sariling pamilya, maganda lng sa pakiramdam noong kmi ay mag bf/gf pa pro noong pinasok na nmin ang mundo ng pagpamilya, don narasan ko na ang bigat ng responsibilidad lalo na pg my mga anak na dagdagan pa sa asawang my bisyo,,,like sugal , ang akala ko masaya ang mag aasawa lalo na kapag ang mapangasawa mo ay mahal mo,,, minsan nga sa tindi ng away nmin muntik ko ng tinapos buhay ko, pro nataohan ako na my mga anak pla ako.

to make my story short,,, nagkahiwalay kmi ng hubz ko, at pariho kaming nagkaroon ng live in partner,,, ni piso di ako humingi ng sustento sa hubz ko pra sa mga anak nmin, umabot ng 5 yrs ang relasyon nmin ng ka live in ko, ng nalaman nmin sa news na pinatay ang hubz ko, din after a few months,, dhil ilang years na rin kaming nagsama ng LIP ko, napagdisisyonan nmin magpakasal at magka bb na rin kmi,,,

sa 2nd hubz ko,, super bait matatawag kong sya ay super hero ng buhay ko at sa mga anak ko, napakabait po ng hubz ko, responsible sya tanggap nya ako pati mga anak ko,,,, kong anong malas ko sa una kong hubz,,, kabaliktaran nman sa ikalawang hubz ko na npakabait po, he treated me like his queen, khit puyat sya sa work nya,,, tinutulongan nya ako sa pag asikaso ng bb nmin,,, magpuyat sya pra sa munting anghel nya,,, at higit sa lahat maganda sa mag asawa ang magkasundo sa lahat ng bagay at kong ano mang problema na dumating kapit lng,,, at pray together kayo lahat malampasan,,,,

Every movie title can be funny! We can prove it! Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel