Grab driver, napahagulhol sa iyak nang tulungan siya ng isang pasahero sa pagpapagamot ng kanyang anak

Grab driver, napahagulhol sa iyak nang tulungan siya ng isang pasahero sa pagpapagamot ng kanyang anak

- Aksidenteng narinig ng isang pasahero ng Grab ang usapan ng driver at asawa nito

- Nalaman ng pasahero na may sakit pala ang anak ng Grab driver na tila namomroblema pa sa pagpapa-ospital ng anak

- Di nagdalawang isip ang pasahero na tulungan ang driver nang abutan nito ng sobra sobrang halaga kaysa sa dapat lamang niyang bayaran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naantig ang isang pasahero na si Maria Isabel Siaton nang di inaasahang marinig niya ang usapan ngdriver ng sinasakyan niyang grab at asawa nito.

Nalaman ng KAMI na narinig ng pasahero na pinatatag ng driver ang loob ng di umano'y asawa niya. Binanggit din nito na tila nasa ospital ang kanilang anak dahil pinababantayan ng driver ang kanilang anak na may swero.

Tila nag-aalala rin ang misis ng driver na umiiyak na raw, marahil dahil sa gastusin nito sa ospital.

Narinig din daw ng pasahero na 5 araw pa mawawalan ng kita ang Grab driver kaya nangako sa asawa na gagawa siya ng para at magsa-sideline na lamang ito para mayroon pa ring kitain.

Dahil dito, di nagdalawang isip na mag-abot ng tulong sa paraang kaya niya ang pasahero. Nang sila ay bumaba, nag-abot ito ng 1,000 piso. Sinabi nang driver na wala raw siyang panukli at 273PHP lang naman daw ang kailangan nilang bayaran.

Sinabi ng pasahero na ang sukli ay para sa anak na lang ng driver. Dahil dito, di napigilang maluha ng Grab driver.

Tinanong ng pasahero kung ano ang sakit ng anak at sinabi ng driver na may butas pala ito sa puso. kaya naman pala ganun na lamang ang iyak ng grab driver at alala para sa kanyang mag-ina.

Nabanggit din ng pasahero na Alvin Gelizon pala ang pangalan ng driver at humingi pa ang pasahero ng tulong mula sa mga makakabasa ng post niya na kung masakyan nila ang driver na ito, abutan din sana nila ito ng tulong.

Samantala, maraming netizens ang naantig din sa kwento ng Grab driver kaya naman patuloy ang pag-share at paghahanap ng mga mabubuting tao na makakatulong sa anak ng Grab driver.

Today we will ask them to replace one word in any movie title with the word "fart". Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel