May buwelta si KZ Tandingan sa pagkukumpara sa kanila ni Janine Berdin

May buwelta si KZ Tandingan sa pagkukumpara sa kanila ni Janine Berdin

- Magkakaroon daw si KZ Tandigan ng isang concert na ang pamagat ay 'Supreme:KZ Tandingan Concert' sa 'Mall of Asia Arena or MOA' ngayong June 22 na.

- Nagpatikim nga din daw ang singer sa kanyang signature vocals sa entertainment press para sa nalalapit nyang solo concert.

- At sa panayam ng 'Push' sa kanya ay naitanong ang pagkokompara sa kanila ni Janine Berdine ang nanalo sa 'Tawag ng Tanghalan' ng 'It's Showtime' kamakailan lang, meron namang resbak na sagot ang singer.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa nasabing panayam ng entertainment media kay KZ Tandingan ay nagbigay nga ng reaksyon sa pagkukumpra sa kanila ng bagong nanalo sa singing competition na 'Tawag Ng Tanghalan' sa 'It's Showtime' na si Janine Berdin.

Hindi maiwasan ang ipagkumpara daw sila dahil hindi daw nalalayo ang kanilang tinig at istilo sa pagpeperform.

Ayon kay KZ:

“Siyempre happy ako kasi ang galing galing nung bata pero we are different artists at kaya nakikita ako ng ibang tao sa kanya, ayun nga sabi ko we fall in the same category na iba kami sa normal na napapanood ng mga tao."

At sa pagpapatuloy ng panayam kay KZ, ibinahagi din ng singer na may special guest siya sa kanyang upcoming concert at ito ay walang iba kung hindi ang boyfriend nyang si TJ Monterde.

Nagbiro daw ang singer at sinabi na nangulit sya para pumayag ang nobyo.

Paglalahad ni KZ:

“Sabi ko sige na naman. Yung ibang shows ko di ka pumayag. Ito milestone ito sa career ko and it would be my honor if you allow me to sing with you onstage. Tapos ayun na convince ko siya.”

Dahil sa pag-special guest ng nobyo nya ay naitanong din kay KZ kung sakali daw na magpropose ang nobyo nito na si TJ sa gabi na kanyang concert, ano daw ang isasagot nya.

Masayang tugon naman ang ibinigay ng singer:

“Bakit mo naman hihindian? Andami pa iniisip. Anu ba yun (Laughs)?”

Marami daw ang dapat abangan ng kanyang mga tagahanga at lahat ng manonood sa concert nya dahil wala da siyang madaling kakantahin.

Pagtatapos ng singer:

“Meron po akong medyo… kasi I’m in love with jazz music. Parang meron kami kakantahin na kanta na ija-jazzify namin. Parang ito yata ang pinaka ahirap ko gagawin jazz arrangement. Naku kailangan ninyo abangan.”

Excited na ba kayo sa concert ni KZ Tandingan?

Para sa pampa good vibes pa more, narito ang isang bagong video na nakakaaliw

Kung ikaw ang tatanong "What if you replace one word in a movie title with the word ‘fart’?"

More good vibes video on HumanMeter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel