Hindi makapaniwala si JM de Guzman sa totoong ugali ni Rhian Ramos

Hindi makapaniwala si JM de Guzman sa totoong ugali ni Rhian Ramos

- Ayon sa 'PEP,' gagawa daw ng pelikula ang Kapamilya actor at ang Kapuso actress at ngayon nga daw ay nakilala na niya ang magandang aktres.

- Sa susunod na linggo na daw magsisimula ang shooting ng kanilang pagsasamahan na pelikula pero nagulat ang aktor sa natuklasan nya.

- Makulit at kalog daw si Rhian Ramos sa personal na malayo sa kanyang hitsura dahil alam naman ng lahat kung gaano kaganda, sopistikada, at meticulosa sa mga gamit at pananamit ang aktres.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam ng 'Cinema News' at 'Philippine Entertainment Portal o PEP' ang Kapamilya actor na si JM de Guzman kamakailan lang at ayon sa kanya ay romantic-comedy daw ang gagawin nilang pelikula ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Dugtong nya, story conference pa lang daw ang nagawa nila at hindi pa sila nagsastart pero dagdag nya na malapit na daw.

Sa pagpapatuloy na pagbahagi ni JM, sa tingin nya ay 'next week' daw siguro mag-uumpisa ang shooting nila ni Rhian pero 'to be announced' pa rin iyan.

Pero saad ng 'ABS-CBN' actor na si JM na ngayon daw ay nagsisimula na siyang makilala ang 'GMA-7' actress na si Rhian.

At nagulat siya dahil hindi sya makapaniwala sa sa totoong ugali ni Rhian Ramos dahil ang nakikita naman ng lahat ay napaka-ladylike ni ng aktres pero salungat dito ang nalaman ni JM.

Sabi ng aktor:

“Makulit [siya]. Kasi, may group chat kami na dun kami nagba-bond sa viber group na yun."

Dagdag pa nya na doon daw sa viber group na yun ay nagsisimula na silang magbond para hindi mailang at nagkukulitan na daw sila para mawala ang hiya.

Doon nya nalamang ang totoong pagkatao ni Rhian Ramos.

Ang sabi ni JM:

“Sa itsura niya, ang layo ng pagkakalog niya.”

Sa ngayon ay inaasahan na mas magiging mabuti ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa kapag nag-umpisa na ang kanilang shooting para sa pelikula.

Si Rhian Ramos ay nag-umpisa bilang Kapuso noong 2006 at tumigil pansamantala noong 2011.

Bumalik siya noong 2013 at marami na siyang nagawang mga primetime series sa 'GMA' at mga pelikula.

Si JM de Guzman ay eksklusibong talent ng 'Star Magic' ng 'ABS-CBN.'

Nag-umpisa siya noong 2001 at nahinto noong 2002.

Bumalik noong 2009 hanggang 2015 at muling bumalik noong 2017 hanggang ngayon.

Ang mga fans walang masisidlan sa excitement.

"My HEART. (hearts) HAHAHA. Babbyyyy!! (emojis)"
"Can't wait."

At lalong mago-good vibes ka sa bagong video handog namin sa inyo

Kung ikaw ang tatanong "What if you replace one word in a movie title with the word ‘fart’?"

More good vibes video on HumanMeter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, naloka sa video ng libing na 'Booom booom' ng Momoland ang tugtog

Netizens, naloka sa video ng libing na 'Booom booom' ng Momoland ang tugtog

Netizens, naloka sa video ng libing na 'Booom booom' ng Momoland ang tugtog
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel