Netizens na nagmalasakit sa babaeng 'missing person', galit na galit dahil gawa gawa lang niya ang lahat

Netizens na nagmalasakit sa babaeng 'missing person', galit na galit dahil gawa gawa lang niya ang lahat

- Isang Jen Mina ang nakapagtest pa sa asawa niya na tila di mganda ang pakiramdam niya sa mga kasakay niya sa tricycle na mga lalaki

- Agad namang nagpost ang ilang kaibigan niya upang iparating ang nangyari kay Jen dahil matapos makapagtext ay di na ito makontak kaya 'missing person' na ram ito

- Kalaunan, lumabas ang katotohanan na gawa gawa lamang ito ni Jen sapagkat gulo n a ang utak niya sa dami ng problema sa negosyo at iba pang personal na problema

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral ang post ng isang Jamae Muti Oviedo dahil di umano sa nawawala niyang kaibigan na si Jen Mina.

Nalaman ng KAMI na isang text message pa ang natanggap ng asawa ni Jen na parang takot na takot daw ito sa mga kasakay niya sa tricycle na nilarawan pa niyang 'mahaba ang buhok na mukhang adik."

Matapos ang text na ito, di na muling nakontak ang cellphone ni Jen na siyang kinabahala na ng kanyang

Bilang pagmamalasakit sa kaibigan, nagpost si Jamae Ovido sa pagbabakasakaling may nakakita kay Jen.

Marami-raming netizens din ang nag-share ng post ni Jamae para makatulong sa paghahanap kay Jen.

Kinagabihan ng Hunyo 5, kung kailan nagpost si Jamae sa 'pagkawala ni Jen', nagpost muli si Jamae ng pasasalamat at natagpuan na ang kaibigan.

Ngunit, karamihan sa tugon ng netizen ay galit at inis sapagkat nalaman nilang, it ay gawa-gawa lamang ni Jen.

Ayon sa post ng MPS Santa Cruz Laguna, dumulog na raw sa tanggapan nila ang di umanong 'nawawalang babae' na si Jen Mina, kasama ang pamilya nito na nasa maayos namang kalagayan.

Inamin din ni Jen na gawa gawa lamang niya ang lahat dahil sa sobrang stress bilang isang sales agent at iba pang probemang personal na bumabagabag sa kanya.

Matapos niyang magtext sa mister nang tanghali na dineklara na siya ay nawawala, sinadya pala niyang patayin ang kanyang cellphone para di na muli siya makontak ninuman at dumiretso na siya sa Calamba, Laguna.

Dahil dito, maraming netizen ang nadismaya at ang iba ay nagalit dahil sa 'agaw atensyon' na ginawa na ito ni Jen.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

"DIYOS MIO! The GIRL Who Cried Wolf!!" ... THANK YOU Mps Santa Cruz Laguna FOR THE UPDATE AND CLARIFICATION!"

"Ok ka din girl, ang lakas ng trip mo ha! Wag sna tlaga mngyari syo yan at wla ng mniniwala syo."

"c ate girl ng alla tau... Tapoz manloloko pala... Lakas ng trip ni ateng"

"Bakit nya ginawa yung, ang daming concern citizen nanahimik biglang me news na ganito at tunulong via social media and yet fabricated or fake Lang pala. Paano pa sila tutulong sa talagang nanganga ilangan ng tulong. Baka mamaya totoo na eh sabihin ng iba fake. Just imagine what have you done , wala ng maniniwala syo. Well wag na lang kayo sumakay sa colorum na tricycle at walang prankisa at walang plate number na tricycle."

"Dapat sya ang kasuhan. For disburbance"

"Gustong maging PEYMUS... KApag stress pala sa work ganern ganern na. Maryosep si ate gerl"

"Nadala at naawa tayo... pati ang mga kapulisan natin. Kaya minsan ayaw ng tumulong ng ating mga Kapulisan sa mga viktima.Pati sila Aksyon Man at namumuno ng ating Peace n Order sa lalawigan, napaniwala ninyo.Pars,kayong "the boy who cried Wolf."HUWAG NINYONG SISIHIN ANG MGA KAPULISAN, KUNG SASUSUNOD AT MANGYARI SA INYO YAN DI NA KAYO NILA TULUNGAN PA."

Today we will ask them to replace one word in any movie title with the word "fart". Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script

Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script

Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel