Dapat tularan! Isang sales clerk ang walang atubiling tumulong sa isang bulag

Dapat tularan! Isang sales clerk ang walang atubiling tumulong sa isang bulag

- Pinag-uusapan na nga ngayon ang isang sales clerk dahil sa walang pag-atubiling pagtulong sa isang bulag na customer.

- Isang netizen ang nakakita sa kanya at kinunan siya ng litrato na hindi alam na akay-akay ang nasabing lalaking may kapansanan.

- Walang alinlangan na binahagi ni Nathan Perez ang kuha nya sa kanyang Facebook account at binahagi din sa 'The happinews project' at ngayon nga'y nabalita na sa 'TV Patrol.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagtrending talaga ang isang sale clerk sa supermarket ng isang malaki at sikat na mall dahil sa kabutihang puso na kanyang pinakita sa kapwa nya na may kapansanan at siya ay nakilala bilang si Ricks Cuña Tusara.

Ang taga-Caloocan na good samaritan ay nakuhaan ng litrato na walang alinlangan na tumulong sa isang bulag.

Sa kuha ng litrato ni Perez ay inakay at inalalayan nya ang nasabing lalaki na may kapansanan papunta ng 'MRT station.'

Unang naispatan namin ang 'act of kindness' pampa-good vibes story ni Ricks sa 'Push.'

Dahil nga nagtrending na sya ay napansin ang kanyang kabutihan ng 'ABS-CBN News,' at sa panayam sa kanya, sinabi nya:

“kasi nakita ko po yung tao po na yun in a hurry po talaga. As well as may dala pa siyang gatas para sa anak niya... hindi na po ako nag-alinlangan na tulungan siya papunta sa terminal.”

Ang nasabing lalaki ay isa pa lang massage therapist na si Dickie Arandia at ayon sa huli ay malaking tulong talaga sa kanya ang mga taong katulad ni Ricks.

Ayon kay Dicki:

“Napapabilis yung pagpunta ko sa terminal, nakakasakay po agad ako... Iniisip ko po na ito yung blessing sa akin ni Lord na tao para tumulong sa akin ngayong araw na ‘to.”

Sabi naman ng netizen na nag-upload sa video:

"Nothing is really an accident. This story is meant to be posted, published and broadcasted. Simply because God knows we need inspirations these days. I am still in awe. This pushes me to find more inspiring stories of random people. They all deserve the spotlight.Congrats, Ricks Tusara. Thank you for reminding us about the importance of kindness."

Ang kwentong ito ay unang binahagi ng netizen na si Nathan Perez na isang University Instructor/Lecturer at producer sa 'ABS-CBN News.'

Maganda ang araw pag-inumpisahan ng good vibes at meron pang pampa-good vibes ang KAMI para sa inyo.

Kung ikaw ang tatanong "What if you replace one word in a movie title with the word 'fart'?"

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel