President Rodrigo Duterte, kampi pala kay Kris Aquino sa away nila ni Mocha Uson

President Rodrigo Duterte, kampi pala kay Kris Aquino sa away nila ni Mocha Uson

- Nag-sorry si Bong Go kay Kris Aquino dahil sa ginawa ni Mocha Uson

- Nagpost din si Go na si President Rodrigo Duterte ang mismong nag-utos sa kaniya na humingi ng tawad kay Kris

- Ipinahayag naman ni Kris ang pagkatuwa niya sa reaksyon ng Pangulo sa ginawa ni Mocha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Karamihan ng celebrities at famous personalities ay kumampi kay Kris Aquino nang sabihin nito ang pagka-dismaya sa pagkukumpara ni Mocha Uson sa paghalik ni President Rodrigo Duterte sa labi ng isang babaeng may asawa na at ang biglaang paghalik noon ng isang babae sa pisngi ng yumaong ama ni Kris na si former Senator Ninoy Aquino.

Nalaman ng KAMI na kampi rin pala ang mismong Pangulo kay Kris sa gulong ito.

Pinost ni Kris ang social media post ng Special Assistant ng Pangulo na si Chrisopher Bong Go ukol sa pagutos sa kaniya ng lider ng bansa na mag-sorry kay Kris dahil sa ginawa ni Mocha.

Kasama ng screenshot ng post ni Bong Go, ipinahayag din ni Kris ang pagkatuwa niya sa sentiment ukol dito ng Presidente.

“Alam kong damned if you do, damned if you don’t ako... but i was brought up to recognize an ‘olive branch’ when it is being offered.

“Alam ko yung mga natitirang LP will bash me & the DDS will never like me. Alam ko rin na sasabihan akong bakit ako nagpapauto.

“Pero ito ang pananaw ko- the most powerful man, President Duterte affirmed my pain. When all his supporters have called me the most hateful names- the man who doesn’t say SORRY- inutusan ang kanyang pinaka pinagkakatiwalaan na mag relay ng SINCERE apology sa kin.

“Anak akong nakipaglaban na bigyan ng respeto ang magulang kong patay na. Sa puso ko, naramdaman ko na yun. So #carebears na po sa lahat ng babatikusin ako.

“In my critics words- this… ‘kulang sa pansin’ BINIGYAN ng panahon at importansya ng pangulo ng ating bansa. Pasensya na kung #BRAT ang tingin ninyo pero this was a #WIN for the memory of the 2 people i love-unfortunately for the HATERS i am here to stay,” sinulat ni Kris.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

We had a super entertaining and hilarious game for the ordinary Filipino citizens we encountered in the streets! Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel