Napamura talaga siya! Neri Miranda, may mensahe sa mga nagsasabing dapat niya na ipatingin ang anak

Napamura talaga siya! Neri Miranda, may mensahe sa mga nagsasabing dapat niya na ipatingin ang anak

- Kagaya ng ibang nanay, ipinagtanggol ni Neri Miranda ang kanyang anak laban sa mga kritisismo ng netizens

- Bumuwelta ito sa mga bashers na nagsasabing may speech delay ang kanyang anak

- Ayon sa kanya, hindi niya daw siya magpapadala sa mga nababasa niya online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling bumuwelta si Neri Miranda sa mga netizens na nagsasabing delayed ang speech development ng knayang anak. Nagsimula ito nang magpost siya ng picture ni Miggy sa Instagram na may caption na “My little painter,” kung saan kitang abala ang kanyang anak sa kanyang artwork.

Habang ang ibang followers niya ay pinuri ang talent ng anak niya, isang netizen na may handle na @choidm_md ang nagsabing, “I noticed he has delayed speech. Haven’t heard him talk. I hope his pedia has checked on this already.”

Pinalagan ito ni Neri at nagsabing “@choidm_md dito ka po ba nakatira sa bahay namin para sabihin mo ganyan siya magsalita? Madaldal si Miggy di lang buo ang mga sentences. He is only one year old. Ano bang gusto niyo? Di bothered ang parents and pedia niya, so relax lang ikaw.”

Sa isang mahabang post ay muling binuweltahan ni Neri ang mga bashers ng kanyang anak.

“Nagsasalita po siya, di lang buong sentences at nagagaya niya mga animal sounds with actions at patawa pa.”

Ayon pa sa kanya natural lang na konti pa lang ang nasasabi ng kanyang anak dahil isang taong gulang pa lamang ito. Sainabi rin ni Neri na hindi iya ikukumpara ang development ng kanyang anak sa ibang bata.

Kung meron man daw siyang papakinggang advice, ito ay yung sa pedia ng kanyang anak.

Meron pa daw pumuna sa malaking ulo diumano ng kanyang anak na talagang ikinabahala niya noong una.

“Bilang new mom, syempre naapektuhan ako noon,” Naig admitted. “Pina ultra sound ko anak ko. Normal si Miggy.”

Tinapos niya ang kanyang mahabang litanya at napamura pa ito, “[T]ingin muna kayo sa sarili nyo kase bilang adult, hinuhusgahan nyo ang isang taong bata na mas marami pang kayang gawin kaysa sa inyo, gag*!”

Si Neri Miranda Naig ay nagsimula bilang questor ng Star Circle Quest. Hindi man pinalad na masungkit ang grand title, naging matagumpay naman ang kanyang showbiz career. Hanggang unti-unti na rin siyang nawala sa limelight. Ikinasal siya sa bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel