Nagkamali ng desisyon! Lauren Dyogi, ibinahagi ang audition video ni Maine Mendoza sa PBB

Nagkamali ng desisyon! Lauren Dyogi, ibinahagi ang audition video ni Maine Mendoza sa PBB

- Ibinahagi direktor at ABS-CBN executive na si Lauren Dyogi ang audition video ni Maine Mendoza sa Pinoy Big Brother noong 2015

- Inamin nito na nagkamali siya na hindi kinuha si Maine

- Ayon pa sa kanya, marami daw nag-audition sa kanya na hindi niya napansin na ngayon ay sikat na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ang ibinahagi ng direktor na si Laurenti Dyogi. Ito ay ang audition video ni Maine Mendoza sa Pinoy Big Brother noong taong 2015 bago pa man siya nakilalang si Yaya Dub.

Ayon pa kay Direk Lauren, "bad call" sa panig niya ang pag reject kay Maine bilang isa sa mga magiging housemate ni Kuya na naipalabas noong June ng 2015.

Naipakilala siya bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga ng GMA-7 nang sumunod na buwan, July ng parehong taon. Simula noon ay tuloy ang kanyang pagsikat.

"Siyempre, isang tao lang ako. Marami pang ibang opportunities o avenues para sumikat. Marami na akong misses in the past. Maraming nag-audition sa akin na hindi ko napansin pero sikat na sila ngayon," pag-amin niya.

Si Direk Lauren mismo ang nag interview kay Maine sa nasabing audition kung saan ipinakilala ni Maine ang sarili.

"I'm Maine Mendoza, I'm 20 years old. I took up Culinary Arts at La Salle College of St. Benilde. I' m working at our family business and I do dubsmash videos," pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

"What's your family business?" tanong ni Direk Lauren sa kanya.

"Shell po, Shell...oil business and gasoline stations," sagot nito na isang patunay na may kaya na talaga ang kanilang pamilya bago pa man siya pumasok sa showbiz.

"That's bad call on my part but then again, ganoon talaga, siguro hindi ako ang kanilang kapalaran," pahayag ng direktor at ABS-CBN executive.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel