Ano daw? Tanong ng netizens na retiro na si Gretchen Barretto sa pag-aartista

Ano daw? Tanong ng netizens na retiro na si Gretchen Barretto sa pag-aartista

- Ayon sa 'Cabinet Files' ng 'Philippine Entertainment Portal o PEP,' may malapit na kaibigan daw si Gretchen Barretto na nagbalita na diumano'y retired na ang aktres sa showbiz.

- Ito ay kahit na active pa rin sya sa social media at ang sabi daw ni La Greta na pinili daw niya na diumano'y magretiro habang 'on top' pa siya.

- Hindi naman sumangyon ang mga netizens sa comment box ng nasabing media outlet sa Facebook page nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Iyon nga ang nalaman ng KAMI mula sa nasabing outlet, na pinili umano ni Gretchen Barretto ang magretiro sa showbiz habang 'on top' pa siya.

Sinabi din naman sa nasabing balita na hindi nag-iisa si La Greta dito dahil pareho daw sila ng paniniwala ni John Lloyd Cruz.

At ayon din daw sa balita, nagsabi daw itong si Lloydie sa confidante nya na diumano, ayon sa kanya:

“It’s better to quit while you’re ahead.”

Pero kahit naman ganito ang desisyon ni La Greta na hindi na daw tumatanggap ng television at movie projects ay may koneksyon pa rin sya sa publiko.

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na talaga namang sinubaybayan ng kanyang mga tagahanga.

Ang naturang social media ay ginagamit nya sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan o naghihirap kaya naman ngayon ay kinikilala na si La Greta na isang philanthropist.

Ang pelikulang 'The Trial' ang huling pelikula na ginawa ni La Greta noong 2014 ng 'Star Cinema' na coincidentally ay co-star niya dito si Lloydie na tinalikuran na din ang showbiz noong 2017 para maging private citizen na daw.

Si Gretchen Barretto ay nakakatandang kapatid nina Claudine Barretto at Marjorie Barretto.

Nagsimula siya sa showbiz noong early 80s bilang isa sa mga 'Regal Babies' bago pa man pumasok ang dalawang kapatid nya sa showbiz.

You can check on some comment of the fans below.

POPULAR: Read more news about Marjorie Barretto here

Sa kabilang dako, sabi nila kailangan daw natin ng pera para maging masaya kaya ang tanong ngayon ay kung magkano ba talaga ang pera na kailangan natin para maging masaya.

Panoorin ang mga sagot ng ilang netizens sa tanong na ito sa video sa ibaba.

Watch more HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel