Netizens, nadurog ang puso sa nag-viral na video ng tinderong nakumpiska ang paninda sa kariton

Netizens, nadurog ang puso sa nag-viral na video ng tinderong nakumpiska ang paninda sa kariton

- Nag-viral ang video kung saan kinumpiska ng mga grupo ng kalalakihan na bahagi ng clearing operations sa mga highway

- Naawa ang mga netizens na nakapanood nito at kinuwestyon ang sinagawa ng mga lalaki bakit kailangan pang tangayin ang mga paninda nito

- Umabot na sa 1 milyon views ang post na ito at umani ng mga komentong puro simpatya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Joevet Aliscad ang nagbahagi ng video sa Facebook kung saan makikitang kinukumpiska ng grupo ng kalalakihan na bahagi ng clearing operations sa mga highway.

Hinihinalang nakumpiska ang kariton ng paninda dahil dumadaan ito sa highway na sinasabing bawal.

Nalaman ng KAMI na karamihan ng mga netizens ay naawa sa tindero dahil kakarampot na nga lang ang kinikita niya, nawalan pa siya ng paninda at kariton na siyang kinabubuhay niya.

Iniisip ng nagpost na kawawa naman ang pamilya ng tindero na walang maiuuwing benta at marahil, wala namang ibang hanapbuhay.

Umabot na sa 1 milyon ang views ng video na nai-post lamang noong Hunyo 4.

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na naawa talaga sa tindero.

"Mamang tindero, baka may benta ka na, ibigay mo pa sa kanila, kawawa naman yang mga mmda na yan masyadong mahigpit ang pangangailangan, baka wala pa silang pambili ng sahog sa mga gulay na paghahati hatian nila, maawa ka sa kanila mga gutom na yang mga buwayang yan"

"Panu mali ehh nakikiraan lang sya sa kalsada hindi naman sya yung naka stay duun .. ikaw na nag titnda san ka dadaan patungo sa pwesto para makabenta sege nga ... panu mu sasabihin mali mag isip ka nga ...kung meron kang isip."

"Kawawa namn Yong naghanap buhay ano bayan empleyado Ng goberno wlang AWA walng kwenta ginagawa nila Kong sakanila Kaya gagawin Yan.Wla KC sila mahuhuli Kaya kahit hnd namn nagtinda Hinuhuli dumaan Lang Yong Tao sa gilid Ng kalsada hnd namn Yan nag tinda sa kalsada"

"Kung cnu pa ung kumikita ng marangal un pa ung huhulihin.. PAnu pa ung mga buhaya at gahaman.. Hnd b nla kaya hulihin.. Mga tao nga nman..hnd mu alam kung my icp b.. O hnd lang gnagamit.. Bsta ipakita lang s publico my na huli ang mga camote"

" dpat kasi magkaron din ng proyekto ang gobyerno para sa mga tulad nyan ni kuya na sidewalk vendor..bigyan sila ng pwesto na kung saan mababa lang ung upa na babayaran nila..kaya kasi ganyan sila na kung saan saan lang nagpupwesto dahil sa mahal ng upa sa mga pwesto sa palengke..at ung mga nagbabahay-bahay nman na tulad nyan ni manong na iniikot ang buong lugar,bigyan nila ng motor na may sidecar para mas madali nila naiikot ang mga lugar..siguro nga bawala sya dumaan dyan sa dinadaanan nya kaya sya hinuli,eh baka nman kasi yan ang pinakamabilis na daan or shortcut para sa pupuntahan nya.syempre ung oras sa paglalakad habang nagtutulak at ung hirap ng pagtutulak sa paninda nya ang iniisip ni kuya kaya sya siguro dyan dumaan.."

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? How Much Money Do You Need to Be Happy? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel