May ma be-beastmode na naman! Asec Mocha Uson, ayaw mag sorry kay Kris Aquino

May ma be-beastmode na naman! Asec Mocha Uson, ayaw mag sorry kay Kris Aquino

- Pinanidigan ni Mocha Uson ang kanyang ipinost sa na ikinagalit ni Kris Aquino

- Nauna nang sinabi ni Bong Go na hihingi ng dispensa si Mocha

- Ngunit sa kanyang inupload na video, nanindigan si Mocha na hindi siya hihingi ng paumanhin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ang isang maikling video sa Mocha Uson Blog Facebook account upang sagutin ang naging mensahe ni Kris Aquino sa kanyang Facebook Live.

Walang takot na sinabi ni Mocha na hindi tungkol kay Kris Aquino ang video na kanyang in-upload at naging dahilan kung bakit umalma ang aktres.

Ang video na pinagmulan ng sagutang ito ay nagkukumpara sa kontrobersiyal na halik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea sa paghalik naman ng dalawang babae sa dating Senator Benigno "Ninoy” Aquino, Jr. na ama ni Kris.

Narito ang naging tugon ni Mocha sa kanyang video. “Ito po ang aking response sa live video ni Miss Kris Aquino. This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay nang malisya sa isang halik.

Muli niyang iginiit na hindi daw iyon tungkol kay Kris.

“Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay niya. Miss Aquino, this is not about you.”

Matatandaang pinatulan ni Kris Aquino ang pasaring at di uamano'y pambabastos ni Asec. Mocha Uson sa kanyang mga namayapang magulang.

Hinamon ni Kris Aquino si Mocha Uson nang harapang sabunatan o debate, tigilan niya lang ang kanyang paglapastangan sa alaala ng mga yumaong magulang na sina Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at President Corazon "Cory" Aquino.

Inihayag ni Kris ang kanyang galit sa kanyang simultaneous Facebook at Instagram live. “Sobra ka na, e. Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo, mahal na mahal ko. “Ganito na lang, ha? Diretsahan na, babae sa baabe, gusto mo ng kaaway? “I’m ready. Anytime, anywhere, harapan. “Gusto mag-debate, keri. Gusto mo gawin natin yung eksena sa movie?”

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte. Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel