Bumuhos ang suporta ng kapwa artista kay Liza Soberano para sa 'Darna'

Bumuhos ang suporta ng kapwa artista kay Liza Soberano para sa 'Darna'

- Matagal ng alam ng lahat na si Liza Soberano ang napili na bagong 'Darna' at marami na din ang nagtatanong sa latest updates nito.

- Binahagi ng magandang aktres ang preparation nya para magampanan ang role ng todo.

- Pinakita nya ang intense training para sa kanyang papel bilang Pinay superhero sa pelikula na matagal ng hinihintay ng mga manonood lalo ng kanyang mga tagahanga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa bagong henerasyon ngayon ang napiling 'Darna' ay walang iba kung hindi ang napakagandang si Liza Soberano.

Dahil dito ay pinu-push pa ng magandang aktres ang kanyang sarili para magprepare sa role na ito sa pamamagitan ng 'back-to-back fitness training' at pati na rin ang Filipino lessons para din daw ma maging bihasa siya at talagang epektibo sya na gampanan ang iconic Filipino superheroine.

Binahagi ni Liza sa kanyang official Instagram account ang mga piling larawan ng intense training nya

Talagang seryoso ang magandang aktres sa role na binigay sa kanya at sa mga snap ng pictures na pinost nya sa kanyang IG ay nagcaption ito na nakaka-inspire din.

Ayon sa dalaga sa caption ng nakita ng KAMI:

"If it doesn’t challenge you, it won’t change you. #DarnaTraining"

May isang tagahang naman ang nagrequest na isali din daw ang 'Tagalog lesson' sa training nya.

"Tagalog training as well pls :))"

Sagot naman ni Liza ay:

"trying to get that down as well (blushing emoji) Salamat!"

Ang mga ilang kaibigan at kapwa artista ay nagbigay din ng suporta sa magandang aktres.

Sabi ni Megan Young:

"So excited for you! Go Liza!"

Ayon naman kay Bianca Gonzalez:

"Go get em!!"(100 emoji)"

Dagdag nina Rayver Cruz at photographer na si BJ Pascual ay mga flexed bicep emojis

Tingnan ang mga larawan ni binahagi ni Liza sa IG nya na nasa baba na una naming nakita sa 'ABS-CBN' website.

Excited na ba kayo kay Liza Soberano para sa kanyang 'Darna' movie?

Kami ay super excited na

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Namataan si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Mapapanood si Liza ngayon sa pinakabagong fantasy series ng ABS-CBN na ‘Bagani’ katambal ang kanyang love team na si Enrique Gil, ito ay unang umere sa telebisyon noong March 5.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano here

Sa kabilang dako, sabi nila kailangan daw natin ng pera para maging masaya kaya ang tanong ngayon ay kung magkano ba talaga ang pera na kailangan natin para maging masaya.

Panoorin ang mga sagot ng ilang netizens sa tanong na ito sa video sa ibaba.

Watch more HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel