20 anyos na Pinoy, kahanga-hanga ang 66 na imbensyon niya at isa na rito ang sapatos na pwedeng mag-charge ng cellphone

20 anyos na Pinoy, kahanga-hanga ang 66 na imbensyon niya at isa na rito ang sapatos na pwedeng mag-charge ng cellphone

- Ibinida ng isa teenager na pinoy ang 66 na imbensyon niya na lahat ay 'DIY' o do-it-yourself' lang

- Isa sa sikat niyang ginawa ang sapatos na pag ginamit mo sa pagtakbo, makaka-charge na ng iyong mga gadgets

- Minsan nang na-feature si Angelo Casimiro sa history channel dahil sa angking galing niya sa kanyang mga imbensyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsimula ang 20 anyos na imbentor na si Angelo Casimiro noong siya ay sampung taong gulang pa lamang.

Ngayon na estudyante na siya ng De La Salle university, umabot na sa 66 ang bilang ng mga nagawa niyang 'Do it Yourself' na mga imbensyon at gadgets.

Ang ilan pa sa mga ito ay naging laman ng balita ang maging ng History channel.

Noong 2014, naging popular ang kanyang imbensyong 'energy generating shoes'.

15 taong gulang lamang siya noon nang nagawa niya ang 'in-sole generator' kung saan, ang movement o paggalaw ay nata-transform niya na maging enerhiya para makapag-charge ng mga gadgets gaya ng smartphones. Kaya, mas maraming takbo, lakad o galaw, mas maraming enerhiya na makakapag-charge ng iba't ibang kagamitan.

Base sa mga ginawa niyang test, nakakapag-charge daw ang sapatos na ito ng 400mAh lithium ion battery sa pamamagitan ng pagjogging sa loob ng 8 oras na dire-diretso.

Isa pa sa kanyang nagawa ay ang Star wars inspired na sarili niyang BB-8.

Nakokontrol niya ito gamit ang kanyang smartphone kaya naman para talagang totoong nasa kanya ang Star Wars character na ito.

Ilan pa sa mga inventions ni Angelo ang Casimiro smartphone film scanner, DIY bookshelf speakers, smartphone projector using a shoebox, portable solar powerbank, DIY vital sign monitor at marami pang iba.

Narito ang video kung saan na-feature si Angelo sa history channel. Umabot na sa 2 milyon na views ang video na ito.

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? How Much Money Do You Need to Be Happy? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica