Nahabag at napahanga ang netizens sa kwento ng bata na hindi tumatanda
- Marami ang tumutok sa 'Magpakailanman' noong June 2, 2018 kung saan bida ang storya ng buhay ni Justin Amar, ang batang hindi tumatanda.
- Sa katunayan ay nanguna ito sa TV viewers rating dahil sa kahabag-habag na kwento ni Justin na 20 years old na pero mukha pa ring bata.
- Ang iba namang nanood ay nakapulot ng magandang aral at inspirasyon sa storya ng buhay ni Justin Amar na bagamat may karamdaman ito na dala-dala noong unang pinanganak siya ay tila hindi nauubosan ng ngiti ang bata.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kamakailan lang bumida ang storya ni Justin Amar sa Kapuso network drama anthology show na hosted ni Mel Tiangco.
Nalaman ng KAMI na si Justin ay 20 years old na pala pero hindi nagbago ang kanyang pisikal na anyo at katawan dahil sa isang karamdaman magmula pa lang noong pinanganak siya.
Ang normal na paglaki ng tao ay may pagbabago na makikita sa buong kaanyuan pero hindi para kay Justin Amar.
Pero kahit na ganito ang nangyari sa kanya ay puno pa rin ng pag-asa si Justin at sa katunayan nga ay tinutulungan pa niya ang kanyang mga magulang na makapag-aral siyang muli at upang unti-unti na din nyang makamit ang kanyang pangarap.
Bumuhos naman ang mga komento ng mga tagahanga at narito ang ilan sa kanila:
"Nakakasad naman storya ng bata. Pakabait kalang at manalangin sa Diyos dadating din araw"
"Your so cute.. Justin.. God's love you..Sana mabuhay ka NG matagal..god bless you.. Justin"
"Ang cute ni justine godblez puh...."
Sa kabilang dako, sabi nila kailangan daw natin ng pera para maging masaya kaya ang tanong ngayon ay kung magkano ba talaga ang pera na kailangan natin para maging masaya.
Panoorin ang mga sagot ng ilang netizens sa tanong na ito sa video sa ibaba.
Watch more HumanMeter videos on YouTube
Source: KAMI.com.gh