Ama ng batang nag-viral na "meat vendor in Nalpico", inalala ang kabutihan sa kabila ng trahedyang nangyari sa kanya

Ama ng batang nag-viral na "meat vendor in Nalpico", inalala ang kabutihan sa kabila ng trahedyang nangyari sa kanya

- Nag-viral ang noon ang 'poging' bata na di nahihiyang magtadtad ng karneng baboy na paninda sa palengke

- Nakunan siya ng larawan ng isang netizen dahil hinangaan siya sa kanyang kasipagan at pagtulong sa kanyang mga magulang

- Walang awang pinaslang ang kanyang ama, kaya naman laking gulat ng mga nanakilala sa kanya dahil sa alam nila na mabuting tao ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maalalang nag-viral ang batang "Meat vendor in Napico" kung saan ang isang poging batang lalake ay di nahihiyang magtadtad ng karne sa palengke.

Ginagawa pala ito ng binatilyo bilang tulong sa kanyang ama na may pwesto sa palnegke.

Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng batang ito noong Marso. Sa kasamaang palad, parehong netizen din ang nagpost ng pakikisimpatya niya sa pamilya ng batang 'Meat vendor in Napico.'

Napakabuting tao raw ng ama ng binatilyo na tinatawag niyang 'Sir George' na walang awang pinaslang.

Laking gulat ng netizen na ito sapagkat mapagbigay din si 'Sir George' sa kanila kaya naman, nalungkot talaga at sa ganoong paraan pa namatay ang taong ito.

Wala pang linaw kung ano ang motibo ng pagpatay kay 'Sir George' at kung sino ang may salarin nito.

Narito ang kabuuan ng post na binahagi ni Jasmin sa KAMI.

April 30,2018

Cainta,Junction shooting incident.

Victim: A Son, a brother, a husband, a father and also a friend.

Sir George.

Siya yung papa ng batang pinost ko na nag viral. *Meat Vendor in Napico*

Para sa taong gumawa or nagpagawa ng ambush na yun,This is for you.

Tignan mo yung pamilya niya, tignan mo yung mga anak niya na sa isang iglap nawalan ng mabuting ama. What ever your reason sana nakakatulog ka sa mga nangyari.

Maikli man ang pagiging magkakilala namin ng taong ito, napakalaki ng respeto ko dito dahil sa pagmamahal niya sa pamilya niya. Napaka buting ama.

Maraming salamat Sir sa mga kabaitan na pinakita mo sa akin sa maikling panahon na yun. hindi pa rin talaga ako makapaniwala, dahil nung nakaraan lang *April 28* kasama ka pa namin nung gabi na nag celebrate ako ng birthday ko, nagbigay ka pa nga ng pang pulutan at pang isang case na redhorse. hanggang 4am ka pa nga nun kasi nag enjoy ka ata sa videoke. maraming salamat po ulit.

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? How Much Money Do You Need to Be Happy? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel