20 anyos na lalake, binahagi ang matinding pinagdaraanan niya sa pagkakaroon ng stage 5 Chronic Kidney Disease

20 anyos na lalake, binahagi ang matinding pinagdaraanan niya sa pagkakaroon ng stage 5 Chronic Kidney Disease

- Binahagi ni Gelo Pegares kung ano ang kanyang dinaranas sa pagkakaroon ng Chronic Kidney Disease

- Sa edad niyang 20, anemic siya at highblood na at nagda-dialysis na rin

- Laking pasalamat pa rin ni Gelo na siya ay buhay sa kabila ng matindi niyang pinagdadaanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang lahat ng sobra ay nakasasama. Kaya naman aminado si Gelo Pegares na dahil inabuso niya ang kanyang katawan, nagkaroon siya ng malubhang sakit.

Isang kahang yosi daw sa dalawang araw ang kaya niyang ubusin, mahilig siya sa softdrinks at maaalat kaya naman sa edad na 20, anemic na siya at highblood.

Kwento pa ni Gelo nakakagulat na Stage 5 Chronic Kidney disease agad ang findings sa kanya.

Hirap man dahil kinakailangan niyang magdialysis, laking pasalamat pa rin ni Gelo dahil sa biyaya ng buhay. Ito ay dahil na rin sa suporta ng kanyang mga kaibigan at lalo na ang kanyang mga magulang.

Narito ang buong kwento ni Gelo na binahagi sa KAMI. Magsilbi sana itong paalaala satin na alagaan dapat natin ang ating mga katawan, lalo na at walang pinipiling edad ang malubhang karamdaman.

At dahil Hindi ako makatulog tara magkwentuhan tayo.

Ako si Gelo ahmm ganito kasi yan, nagsimula yung sakit kong CHRONIC KIDNEY DISEASE STAGE 5(CKD) ng puro ganito.

Hi nagstart ako magyosi isang kaha sa dlwang araw. Mahina ako uminom ng alak. Pero softdrinks malakas ako. Mahilig din ako magpuyat kasabay pa ng pagiinom. Mahilig din ako kumain ng maalat ee sympre pinoy ee. Hanggang sa nag ka anemic nko at nag ka highblood nagsimula sa paghihilo pagsusuka pagsakit ng katawan at pamumulikat. Walang sintomas kapag stage 1-4 diretso agad ng stage 5 :( So ayun sa edad kong 20 Buhay pako! Oo buhay pko! Sa edad kong bente may tubo nko sa leeg hanggang sa puso kaliwa't kanan. Meron pang vibrat** sa braso haha. Sa edad kong bente nag ddialysis ako. Itong sakit ko hindi na gumagaling :( dialysis hanggang sa mamatay or mag pakidney transplant ng milyon ang katumbas sobrang hirap magkasakit :( sa nagddialysis sobrang hirap parang halos.lahat bawal. Bawal soobrang tubig alam mo ung isang litro lang dapat sa isang araw :( nagpapasalamat prin ako sa itaas kay lord na binigyan nya pako ng pagkakataon kahit alam kong sandali nalang na kahit alam kong saglit nalang akong tatayo dito sa mundong ibabaw binigyan nya parin ako ng pagkakataong MABUHAY! Maraming salamat AMA.

Kaya sa lahat ng barkada,kaibigan or tropa or ano ka paman. Nagmamakaawa ako INGATAN MO YUNG KIDNEY MO

LALABAN AT LALABAN AKO HANGGANG KAMATAYAN!

DASAL LANG WALANG IMPOSIBLE SA ITAAS.

PS: NAGPAPASALAMAT AKO SA MGA KAIBIGANG ANDYN PARA MAGPASAYA AT PASAYAHIN AKO UPANG MAKALIMUTAN KONG MAY SAKIT AKO :) SALAMAT DIN NG MARAMI SA PARENTS KO NA HANGGANG S HULI ANDYAN KAYL D NYOKO PINABAYAAN MAHAL NA MAHAL KO KYO MAMA AND PAPA :)WERPA LODI! :)#HEARTYOURKIDNEYS

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? How Much Money Do You Need to Be Happy? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel