May rules? Gloria Diaz, isiniwalat ang isang bagay na hindi niya magawa pag nasa bahay ng anak na si Isabelle Daza
- Nag-kuwento si Gloria Diaz kung anong klaseng mommy ang kanyang anak na si Isabelle Daza
- Isiniwalat din niya ang isang bagay na hindi niya magawa pag nasa bahay nina Isabelle at Adrien Semblat
- Ayon kay Gloria, may kinalaman daw ito sa kanilang baby
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ni Gloria Diaz kung gaano siya ka-bilib sa pagiging hands-on ng kanyang anak na si Isabelle Daza sa anak nito kay Adrien Semblat.
Nalaman ng KAMI na mismong si Adrien ay sobrang tutok din sa kanilang baby boy kaya malaki raw ang impluwensiya nito kay Isabelle.
Ayon sa ulat ng PEP, sineryoso raw talaga ni Isabelle ang pag-breastfeed sa anak. Sabi pa ni Gloria, noong panahon niya, isang buwan lang na breastfeeding ay okay na, pero si Isabelle anim na buwan tinutukan ito.
Proud talaga si Gloria sa kanyang anak pati sa asawa nito, "She’s a better mommy than I was, and the father of course is a Super Daddy. They’re the ones who cleanse the baby, wash him. He takes a baby a bath."
Pero meron daw bawal gawin si Gloria pag nasa bahay nina Isabelle at Adrien. Bawal daw ang maingay dito dahil gusto nilang masanay ang kanilang baby sa tahimik na environment.
"Very quiet and soft music lang. The husband kasi talks the baby in whispers, maliit ang boses, para hindi raw maingay.
"Ako kasi maingay, di ba? So, when I go to her house, I’m also very quiet and everything," paliwanag ng dating Miss Universe.
Si Isabelle Daza ay anak ng dating Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz at Gabriel "Bong" Daza III. Si Isabelle at Adrien Semblat ay kinasal sa Tuscany, Italy noong September 10, 2016.
Isinapubliko nila ang kanyang pagbubuntis noong September 2017. Nanganak naman siya via C-section sa kanilang baby boy noong March 31.
Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Today we will come to the streets of Philippines to ask people how much money they need per month to feel happy and comfortable. The HumanMeter team will go both to the poor and wealthy areas to get an objective picture.
How Much Money Do You Need to Be Happy? - on Human Meter YouTube Channel
Source: KAMI.com.gh