'Kambal Karibal' Kyline Alcantara binati ang kapwa ka-'Star Circle Quest' na si Janine Berdin

'Kambal Karibal' Kyline Alcantara binati ang kapwa ka-'Star Circle Quest' na si Janine Berdin

- Kung naiinis ka sa kanya bilang Cheska sa primetime Kapuso teleserye na 'Kambal Karibal' ay tiyak mawiwili at hahanga ka sa kanyang kabaitan sa likod ng kamera.

- Siguro, hindi alam ng nakakarami na si Kyline Alcantara at ang grand champion ng 'Tawag ng Tanghalan' ng 'It's Showtime' na si Janine Berdin ay dating kasamahan sa 'Star Circle Quest' season 4 sa 'ABS-CBN.'

- Pero kahit magkaiba man ang kanilang istasyon ay ang pagkakaibigan ay nandyan pa rin at sa katunayan nga'y binati ni Kyline si Janine sa panalo nito sa kanyang Instagram story na may picture pa nilang dalawa noong bata pa sila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang tunay na magkaibigan ay magsasaya sa tagumpay ng isa't-isa at ito nga'y pinatunayan ni Kyline Alcantara sa kaibigan na si Janine Berdin.

Nalaman ng KAMI sa 'PEP' na binati ng 'Kambal Karibal' star ang kasabayan niya sa industriya na si Janine Berdin na nanalo sa contest ng 'It's Showtime' sa Kapamilya network na pinamagatang 'Tawag ng Tanghalan.'

Si Janine lang naman ang umuwi sa tropeyo bilang grand champion ng nasabing competition.

At hindi nagpahuli ang kaibigan na si Kyline para i-congratulate ang kaibigan.

Sumikat ng husto si Kyline Alcantara bilang Cheska at Crisel sa primetime series ng 'GMA-7' na 'Kambal Karibal' dahil napaka-epektibo talaga nito sa pagiging kontrabida.

Pero salungat sa karakter na ginagampanan nya sa nasabing teleserye ay tila napakahumble at thoughtful ng aktres dahil sa kabila ng kanilang magka-ibang istasyon ay hindi nyang nakalimutan batiin ang kaibigan na si Janine.

Si Janine Berdin ang nanalo bilang grand champion sa 2nd season ng singing competition ng nasabing show.

At dahil dito hindi nagpahuli si Kyline Alcantara para batiin ang kaibigan sa isang Instagram story na pinapakita ang kanilang litrato noong bata pa sila.

Si Kyline at si Janine ay nagkakilala noong sumali sa sa 'Star Circle Quest' ng 'ABS-CBN' sa season 4 ng nasabing competition noong 2011.

Ang nagwagi ay sina Brenna Penaflor at si Clarence Delgado.

Si Janine ay naging 4th semi-finalist at si Kyline naman ay umabot sa 'Magic Circle of 10.'

Watch more BeKami YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel