Hindi uurong kahit sabunutan! Kris Aquino, hinamon si Mocha Uson ng harapang sabunatan o debate

Hindi uurong kahit sabunutan! Kris Aquino, hinamon si Mocha Uson ng harapang sabunatan o debate

- Sa kanyang Facebook at Instagram live ay hinamon ni Kris Aquino si Asec. Mocha Uson

- Hinamon niya ito ng harapang sabunutan o debate huwag lang daw nitong bastusin ang kanyang mga magulang

- Inamin din niyang galit siya sa ginawa ni Mocha sa kanyang namayapang magulang

Tuluyan nang pinatulan ni Kris Aquino ang pasaring at di uamano'y pambabastos ni Asec. Mocha Uson sa kanyang mga namayapang magulang.

Hinamon ni Kris Aquino si Mocha Uson nang harapang sabunatan o debate, tigilan niya lang ang kanyang paglapastangan sa alaala ng mga yumaong magulang na sina Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at President Corazon "Cory" Aquino.

Inihayag ni Kris ang kanyang galit sa kanyang simultaneous Facebook at Instagram live.

“Sobra ka na, e. Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo, mahal na mahal ko.

“Ganito na lang, ha? Diretsahan na, babae sa baabe, gusto mo ng kaaway?

“I’m ready. Anytime, anywhere, harapan.

“Gusto mag-debate, keri. Gusto mo gawin natin yung eksena sa movie?”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang eksena ni Mocha sa pelikulang Four Sisters and a wedding kung saan sinabunutan siya ni Angel Locsin

“Gusto mo gawin natin yung eksena na yun? You want na ako ikaw at ikaw si Angel?

“Gawin natin para matigil ka na lang.”

Ayon kay Kris, niyurakan ni Mocha ang alaala ng kanyang mga magulang.

Ito ay kaugnay ng Facebook post ni Mocha na nagpapakita ng paghalik ni Pangulong Duterte sa isang OFW sa SOuth Korea na talaga namang umani ng batikos.

Inihambing ito ni Mocha sa video ni Ninoy na ninakawan ng halik ng dalawang Pinay habang sakay ng eroplano mula U.S. noong August 21, 1983.

Ayon kay Kris matagal niyang pinigilan ang sarili niyang patulan si Mocha ngunit sumusobra na dw ito.

“What you are doing to my parents, they do not deserve.

“People will tell me, ‘Why are you stooping down to her level?’

"I’m doing this because I love my mom. I love my dad.

"And if I don’t do this now, I will hate myself.

Ginagawa niya rin daw ang kanyang pagsagot kay Mocha bilang isang ina.

“If I don’t do this now, I won’t be the mother I want to be.

"Ginagawa ko ‘to because I want my sons to see what I am willing to do for my mom and for my dad.

“Because when I’m no longer here, gustung-gusto ko na si Bimb ipagtanggol ako.”

Inihayag din ni Kris na hindi siya nagmamalinis at marami siyang mga maling desisyon sa buhay.

"Dahil di perpekto ang buhay ko. Open book ang buhay ko.

"Alam ko kung ano ang pinagdaanan ko, alam ko kung ano ang nakaraan ko.

"Pero alam ko na meron tayong mapagpatawad na Diyos, at alam ko kung ano na ako ngayon.

"At yun ang importante. What you make of yourself because of those mistakes.

"And if I allow those mistakes and those lies about my parents to continue, I am not worthy to carry their name."

Kahit halatang pinipigil nito ang pagiging emosyonal, hinamon niya si Mocha upang matigil lang ang kanyang ginagawa.

"I just wanna say, I am ready for you. This is a direct challenge to you.

"Face me, anywhere. Text me. You can find my number, andali.

"Name the place. Name the location. Let's carry it live. Bring all your followers. I can stand alone.

"But stop it. Stop doing this to two people who have never hurt you.

Marami naman ang sumang-ayon sa sinabi ni Kris na hindi na dpat pa dinadamay ang mga taong namayapa na.

"Hindi ka nila binastos dahil patay na sila.

"Hindi ka rin binastos ng kapatid ko, pero labas siya sa usapan na 'to.

"Buhay siya, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.

"Pero hindi kaya ng nanay at tatay ko."

Narito ang kanyang buong pahayag.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years

Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years

Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel