Sanggol iniwan sa gilid ng tindahan sa Davao, 'Mabuti na lang at humihinga pa ang baby'

Sanggol iniwan sa gilid ng tindahan sa Davao, 'Mabuti na lang at humihinga pa ang baby'

- Isang sanggol na naman ang walang-awang iniwan sa gilid ng isang tindahan sa Davao

- Walang nakitang kahit na anong identification ang netizen na nakatagpo sa baby

- Nagpasalamat na lang ang netizen na humihinga pa ang baby na hindi tiyak kung anong oras iniwan doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami nang mga bata ang makikitang kung saan-saan na lang iniiwan ng kanilang mga magulang.

Pero sa bawat pagkakataong may mapabalitang ganun, hindi naiiwasang madurog ang mga puso ng nakakakita sa isang walang kalaban-labang sanggol na basta na lang iniwan sa isang tabi.

Isa na rito ang shinare na post ng netizen sa Matalinong Matsing. Sabi sa post, natagpuan na lang nila ang baby sa gilid ng kanilang tindahan.

Nalaman ng KAMI na shinare talaga ng netizen ito sa nais niyang makarating ang post sa DSWD, nang sa ganun ay matulungan ang sanggol.

Nakakadurog daw ng puso na makakita ng isang baby. Di daw po niya akalain na magagawa ng isang magulang ang ganoon sa kanyang anak.

Buti na nga lang daw at humihinga pa ang sanggol. Eto ang buong sabi ng netizen.

"Isa na naman pong bata ang iniwan ng mga walng pusong magulang sa gilid ng tindahan namin dito sa Davao. Nakadurog ng puso talaga makakita ng ganito Diyos ko po. Di ko akalain ng magagawa ito ng magulang sa kanilang anak. Napakawalang puso ninyo! Pagkatapos ninyong magpakasarap, si baby ang magdudusa! Sana matulungan. Mabuti na lang at humihinga pa ang baby na munting anghel. ISHARE po natin ng iSHARE para makaabot sa DSWD. Salamat po sa page ninyo Matalinong Matsing sa pag post at sana mapakalat ninyo."

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kathryn Bernardo, kumakain pa rin ng taho sa kalye kahit sobrang yaman na!

Kathryn Bernardo, kumakain pa rin ng taho sa kalye kahit sobrang yaman na!

Kathryn Bernardo, kumakain pa rin ng taho sa kalye kahit sobrang yaman na!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel