Supalpal talaga! Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang

Supalpal talaga! Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang

- Rumesbak na si Kris Aquino sa mga patutsada ni Mocha Uson sa kanilang pamilya

- Palaban na sinagot ni Kris ang pag-dawit ni Mocha sa kanyang mga yumaong magulang

- Nag-react ang mga netizens patungkol sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapang na sinagot ni Kris Aquino ang mga patutsada ni Mocha Uson laban sa kanilang pamilya.

Nalaman ng KAMI na sinabi ni Mocha na walang pinagkaiba ang ginawa ni President Duterte, kung saan hinalikan niya ang isang Pinay OFW sa South Korea at ang naganap sa eroplano bago paslangin ang ama ni Kris, kung saan ay hinalikan si Ninoy Aquino ng dalawang Pinay.

Watch the video below:

Ayon sa ulat ng PEP, dinaan ni Kris sa isang Instagram post kahapon June 5, ang kanyang buwelta kay Mocha.

"Asec Mocha Uson - marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin... Mapapansin mo si Noy, hindi parte ng video ko dahil BUHAY siya. Kaya niyang depensahan ang sarili niya.

"Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan nang hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama.

"Umiyak ako nang tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos. Nangako akong hindi kita papatulan - but this time you crossed the line."

Noong tinira ni Mocha si Kris patungkol sa kanyang kontrobersiyal na love life ay pinili raw niyang manahimik dahil aminado siya na meron siyang mga pagkakamali pag dating sa buhay pag-ibig.

Pero hindi raw makakapayag si Kris na pati ang kanyang mga yumaong magulang ay idadawit sa usapan. Tinira rin ni Mocha ang yumaong ina ni Kris na si President Cory Aquino at sinabing isa itong "diktador" noong siya ay nasa puwesto pa.

"You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay Josh & na-disown ako pero nung 1 month si kuya - naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga niya 'yung apo niya - siya na 'yung pinakanagmahal sa anak kong may autism.

"Pinaalala mo na nung issue namin ni Joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko - 'yun siguro ang kaibahan namin - WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit.

"Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina - sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA...

"Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan."

Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang

Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang (Photo: Kris Aquino)

Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang

Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang (Photo: Kris Aquino)

Nag-react ang maraming netizens at karamihan sa kanila ay nasa panig ni Kris. Sumasang-ayon sila na "below the belt" na masyado ang mga patutsada ni Mocha.

Read some of the comments from netizens below:

"Iba yung hinalikan sa pisngi sa humingi ng halik sa labi. Hoy mocha tama ng pambabalahura mo at paggawang tanga sa mga Pilipino. Lumayas ka sa Pilipinas. Makasarili ka. Sumisipsip ka sa presidente pra sa sariling kapakanan kahit mkasira ka ng iba. Hindi ka Pilipino. Hindi ka din asal ng matinong babae."

"Napaka walang utak nyang si Mocha. Huwag ng patulan yan Kris. Di kayo magka level."

"May kaunting kurot sakin dun sa sinabi ni kris na ‘umiyak ako ng tuloy tuloy dahil naingit ako sa 2 babaeng nakahalik sa dad ko bago sya pinatay’. Nasa isang pamilya man sila ng panig ng kalaban, hindi mo na dapat dinadamay pa ang namatay na. Nasa history na kung pano ang naging buhay ng mga aquino, kung pano kinulong at pinatay si ninoy. Sana pinabayaan na lang nya. Goes to show how insensitive mocha uson’s post is. I agree this is crossing the line."

"Hindi ako fan ni Kris pero naiyak ako while reading her post, sobra yang si Mocha, lahat sila kasama yung mga umapi kay CJ Serreno. Bakit ba tayo nagkaron ng mga kababayan na naniniwala kay Mocha Uson, kidlatan sana yang demonyita na yan."

"Love ko si President Duterte but with reservations. ISA NA TONG SI MOCHA!!! GIGIL NA GIGIL NA DIN AKO DITO!!! SOBRA NA TALAGA NAKAKAHIYA KA NA!!! DI KA BA KINIKILABUTAN SA MGA PINAGSASABI MO!!! WAG KA NANG MANDAMAY AT MAGKOMPARA!!! President Duterte please wake up huhu alisin niyo na itong si Mocha sa line up niyo :("

"Go Kris sampolan mo yan si Mocha. Taong bayan ang nagpapa sweldo dyan dapat lang turuan ng leksyon"

Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang

Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang (Photo: Kris Aquino)

Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang

Kris Aquino may matapang na buwelta kay Mocha Uson matapos siraang-puri ang kanyang yumaong magulang (Photo: Kris Aquino)

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Today we will come to the streets of Philippines to ask people how much money they need per month to feel happy and comfortable. The HumanMeter team will go both to the poor and wealthy areas to get an objective picture.

How Much Money Do You Need to Be Happy? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel