Ang likot ni baby! Iya Villania ipinakita ang kaniyang baby bump

Ang likot ni baby! Iya Villania ipinakita ang kaniyang baby bump

- Iya Villania pinakita ang magalaw na baby bump sa kanyang fans

- Nasa loob palang ng tiyan, makulit na ang pangalawang anak ng aktres

- Masayang inanunsyo ni Iya at Dew ang pagdating ng kanilang bagong anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ipinakita ni Iya Villania sa mga fans ang kanyang baby bump para sa kanyang pangalawang pagbubuntis. Nasa ika-8 buwan na ng pagbubuntis ngayon ang aktres/TV host at tila hindi na mapakali ang batang nasa loob ng kanyang sinapupunan.

Ayon sa post ng aktres sa kanyang Instagram account, makikita ang kanyang baby bump na gumagalaw na parang sumisipa ang bata sa kanyang sinapupunan. Matatandaan na inanusyo ng aktres at asawa nito na si Drew Arellano ang pagdating ng kanilang pangalawang anak sa kani-kanilang Instagram account. Sa nasabing anunsyo, kasabay nito ang gender reveal at pinasilip din nila na magkakaroon ulit sila ng anak na lalake.

Unang pinanganak ni Iya ang kanilang panganay na si Primo noong Septyembre 2016. Makalipas ang halos dalawang taon, masusundan na ulit ang kanilang panganay. Inihalintulad din ni Iya ang kanyang unang pagbubuntis sa kasalukuyan kung saan mas mapili siya ngayon sa pagkain.

Sa pangalawang pagbubuntis ni Iya, ipinakita din niya na pwede pa din mag work-out kahit buntis.

Si Iya Villania ay isang kilalang aktres at TV host. Mas nakilala siya bilang isang VJ ng MYX na isang music channel dito sa Pilipinas. Siya din ay gumanap sa GMA series na My Korean Jagiya kasama si Heart Evangelista at Alexander Lee na isang Korean singer at host.

Silipin ang makulit na baby bump ni Iya dito:

Gawing makulay ang paglagay ng eyeshadow gamit ang pinakasimpleng paraan. Panuorin si Monina kung paano gawing maganda ang simpleng paglalagay ng eyeshadow. Para sa mga bagong balita, viral bidyos, at mga makubuluhan at masayang kwento, pumunta lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Piolo Pascual breaks his silence about ex-GF KC Concepcion’s new relationship

Piolo Pascual breaks his silence about ex-GF KC Concepcion’s new relationship

Piolo Pascual breaks his silence about ex-GF KC Concepcion’s new relationship
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel