Nakakagulantang ang katawan ng isang walong taong gulang na bata

Nakakagulantang ang katawan ng isang walong taong gulang na bata

- Isang walong taong gulang na batang lalaki ang pinag-uusapan ngayon sa internet dahil sa kakaibang pangangatawan nito.

- Ayon sa balita na nasagap ng KAMI sa 'Buzz Flare,' ang nasabing bata ay nagsasanay araw-araw para gayahin si Bruce Lee.

- Habang ang karamihan ng ka-edad nyang bata ay nag-eenjoy sa kanilang kabataan, iba si Ryusei Imai o kilala din sa pangalang 'Ryuji.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Ryusei 'Ryuji' Imai ay dini-dedicate ang buhay nya sa panggagagaya sa martial arts legend na si Bruce Lee.

Nag-iinsayo ang bata ng apat at kalahating oras araw-araw at ngayon nga'y nakakahanga at nakakagulantang ang kanyang katawan na kasingtulad ng kanyang iniidolo.

Ayon naman sa ama bata, nag-umpisa daw si Ryusei na manood ng mga pelikula ni Bruce Lee noong isang taong gulang pa lamang siya.

At doon din, nag-umpisa ang panggagaya ng bata sa nasabing martial artis legend.

Pagkatapos daw ng isang taon ay na master na daw ng bata ang 'nunchaku scene' sa isang napakasikat na pelikula at lumalabas na ang bata sa international television shows.

Ang bata daw ay gumigising ng 6 am at nag-iinsayo ng ilang oras taga umaga bago pumasok sa eskwelahan.

Pagka-uwi sa bahay, nag-iinsayo na naman siya ng isang oras at pagkatapos ay dalawang oras naman ang ginugugol niya para mag-insayo ng 'kicks at nunchaku routines' nya.

Nagviral si Ryusei noong tatlong taon ng nakakaraan ng ang video nya na ginagawa ng perpekto ang 'nunchaku routine' ni Bruce Lee ay kumalat at pinag-uusapan sa social media.

Simula noon ay palagi na siyang pinag-uusapan sa iba't ibang social media outlets at nagkaroon ng libu-libong nga online followers at nag-TV appearance din sa 'Super Kids.'

Kahit sa kasikatan na ng bata ay patuloy pa rin ang kanyang training at pagpapanatili ng katawan at paggaya kay Bruce Lee sa kanyang mga sikat na martial arts scenes.

Pero ang nakakabilib na dedikasyon nya ay nagpa-alala sa ibang mga netizens dahil daw baka sobra na ang kanyang mga action stints sa kanyang edad.

Ang sagot naman daw ng ama na ito daw ang gusto ni Ryusei at ang 8-year-old na bata daw talaga ang gustong mag-insayo ng mahirap para maging Bruce Lee.

Sang-ayon ba kayo dito?

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel