Nakakawindang! Ai-Ai delas Alas pwedeng mag-managed kay Kris Aquino

Nakakawindang! Ai-Ai delas Alas pwedeng mag-managed kay Kris Aquino

- Tinanong ng press ang beteranang aktres at komedyante kung open ba daw siya sa ideya na mag-managed sa career ng 'Queen of All Media.'

- Klarong klaro naman ni biniro lang ng isang miyembro ng press ang 'Comedy Queen' tungkol sa tanong ito dahil nga hindi sila okay ng dati nyang kaibigan.

- Naitanong ang pagmamamanage kay Ai-Ai dahil na rin ito ang bagong tinatahak niyang role at siya nga ay manager ng hip-hop group 'Ex Battalion.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayon ay busy si Ai-Ai delas Alas sa pagmamamanage sa career ng grupong 'Ex Battalion' at dahil dito ay marami na ding press conference ang sinalang nila.

Isa na rito ay ang press conference na kasali ang 'PEP' kung saan nakuha ng KAMI ang nasabing balita tungkol kay Ai-Ai.

Ayon sa balita, ang seasoned actress na si Ai-Ai delas Alas ay tinanong sa nasabing press conference sa announcement ng 'Viva Films' tungkol sa collaboration na gagawin ng nasabing notable film agency at sina Ai-Ai at ang 'Ex Battalion.'

Ginanap ang nasabing press conference noong Friday, June 1.

Ang sagot ng 'Comedy Queen' sa tanong ng pagmanaged sa 'Queen of All Media,' ang tawang sagot nito ay:

“Ah... Hahaha! E, busy ako sa Ex B [Ex Battalion]"

Dugtong pa ng akters:

“Siguro next year pag na-[plan] ko na ang Ex B, puwede na kaming mag-usap tungkol sa management.”

Pero sinabi din daw ng beteranang aktres na sa pagkakaalam nya ay mina-managed na ngayon si Kris ng isang kilalang talent agency.

At ito nga ay ang 'Cornerstone,' na inannounced naman ni Kris sa kanyang social media account na co-managed siya ng nasabing ahensya.

Hindi kaila sa lahat na nagkalabuan ang friendship nina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino noong 2014.

At tila hindi pa talaga okay ang dalawa.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

More BeKami YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda

Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda

Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel