Paolo Contis, umaming naiirita at napipikon minsan sa anak ni LJ Reyes na si Aki

Paolo Contis, umaming naiirita at napipikon minsan sa anak ni LJ Reyes na si Aki

- Si Paolo Contis ang tumayong ama ni Aki, anak ni LJ Reyes

- Ayon sa aktor, minsan ay napipikon siya kay Aki

- Ito pala ay dahil palagi siyang tinatalo ng bata sa video games

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Paolo Contis ay ang tumayong ama ng anak ng girlfriend niyang si LJ Reyes na si Aki, matapos makipaghiwalay ang aktres sa aktor na si Paulo Avelino.

Nalaman ng KAMI na inamin ni Paolo na naiirita at napipikon siya minsan kay Aki dahil palagi siyang tinatalo at pinapatay nito sa video games.

“Lately, naiirita na ako sa kaniya, pag naglalaro kami namamatay akong bigla, siya yung pumapatay sa akin… Sa seventh o eight kill, napipikon na rin ako talaga,” sabi ni Paolo sa interview niya kay Regine Velasquez sa Kapuso program niyang “Sarap Diva.”

Sinabi rin sa interview ni Paolo na malambing at mabait na bata si Aki. Ayon sa aktor, ginawa niya ang makakaya niya para makuha ang tiwala ni Aki at maging komportable ang bata sa kaniya.

Si Paolo ay may dalawang anak na babae sa ex-partner niyang si Lian Paz.

Para naman sa ex-boyfriend ni LJ na si Paulo Avelino, meron na rin itong bagong girlfriend.

Nobya ni Paulo ang Fil-Australian model na si Jodie Tarasek.

Hanga ang KAMI kay Paolo dahil minahal na niyang parang tunay na anak ang anak ni LJ!

Today we will come to the streets of Philippines to ask people how much money they need per month to feel happy & comfortable. The HumanMeter team will go both to the poor & wealthy areas to get an objective picture. How Much Money Do You Need to Be Happy? – on HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel