Lalaki sa Cagayan Valley, binunyag ang pag-set up daw sa kanya at inakusahan siyang tulak at adik

Lalaki sa Cagayan Valley, binunyag ang pag-set up daw sa kanya at inakusahan siyang tulak at adik

- Nagpost ang isang Michael Raras tungkol sa karanasan niya kung saan muntik na siyang matokhang

- Isinalaysay ni Michael kung paano pinipilit na singitan si Michael ng isang supot sa kanya likod

- Muntik na sanang mai-video ang kanyang kapatid ang pangyayari ngunit nahablot ito ng mga taong sinabi ni Michael na taga PDEA pa mismo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng kanyag facebook account, isiniwalat ni Michael ang di niya mailimutang karasan sa kamay mismo daw ng mga taga PDEA.

Base sa may kahabaang post ni Machael, isang ordinaryong araw lang ito naganap kung saan payapa pa raw silang nanonood ng It's Showtime nang may biglang kumatok at siya namang tayo ni Michael para tingnan kung sino iyon.

Nalaman ng KAMI na walang ano ano, pagbukas ng pinto ni Michael dumiretso na ang mga tao sa loob ng kanilang bahay at ang isa pa sa kanila ay tila may pilit na isinisiksik na maliit na supot sa kanyang likod.

Lalo pang tumindi ang tensyon nang nahuli ng mga tao na ito na ayon kay Michael ay mga taga PDEA na nagvi-video ang kapatid niya.

Dito mas lalo na silang umalma dahil sa alam na nilang sila ay nasi-set up na at tinatangkang taniman na ni droga.

Nais lamang ni Michael na malinis ang pangalan niya at nang kanyang pamilya. Katunayan daw, negatibo naman daw siya sa Drug test na nauna nang naisagawa sa kanya.

Sinalaysay lamang daw niya ito upang ipagbigay alam sa kinauukulan na may ganitong kaganapan na nang yayari na maski inosenteng tao ay nadadamay, masabi lang na matagumpay ang operasyon sa pagtuligsa ng droga sa ating bansa.

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Michael.

Ako po si Michael Raras 24 taong gulang na nakatira sa Alimannao,Penablanca,Cagayan Valley. Kasalukuyang nakakulong sa Office ng PDEA (RECOM) sa kasalanang hindi naman totoo. Wala silang search of warrant and warrant of arrest na pumasok sa loob ng bahay namin. (EXPLAIN) nakahiga po kami ng mama ko nanonood ng show time biglang may mga tao na hinahanap ako. Tumayo po ako sa balkon namin.”Ano po yun” sabi ko sa mga taong naghahanap sa akin. Tumayo rin si mama biglang may pumasok sa loob ng bahay namin sa kusina dumaan dumiretso sa sala kung saan nandun kami.hinila ako palabas sa sala namin sa may pinto tapos kasunod ko si mama biglang may tumakbong isang lalaki na may hawak na supot pinipilit nilang isuksok sa likod ng damit ko na pinilipit (CRUMPLE)pa nila yung damit ko,nakasupot ng puti,hindi nila mailagay sa likod ko yung plastic dahil pumapalag ako at maraming nakakakita at may mga bata pa,mga kapatid ko at si mama.

Nakita nilang nag vivideo yung dalawang kapatid ko bigla nilang inagaw yung cellphone at sabing “bakit kayo nag vivideo bawal yan” tapos hinablot yung cellphone. Pagkahablot ng cellphone nagkasa sila ng baril, “kung may mag video barilin mo” sabi ng babaeng maiksi ang buhok. Pinilit nila hinila ako dun sa sala ng hipag ko harapan mismo ng kusina. Tapos pinasara nila yung pinto sa hipag ko hinila pa nila yung pinto para hindi mabuksan at makita ang ginagawa sa akin. Nakita ko nalang may kinuha silang supot na puti binaba nila sa banggera,sabi nila “Markeran na yan! Markeran na yan!” Sumasama ang mama ko nung kukunin na nila ako pero ayaw nilang isama sinabi sakanya “gusto mong isama ka na rin naming posasan” . Gusto ko pong mabigyang pansin ang kaso na ito dahil ang katotohanan ay hindi naman ako adik o nagtitinda ng marij****.

May drug test result na ako na NEGATIVE bago nila ako hinuli at meron din akong result sa PDEA nung pinadrug test nila ako at NEGATIVE rin. Ang supot na pilit nilang sinusuksok sa likod ko ay sakanila. Na sinasabi nila na yun ay akin. Sa mga friends and relatives ko please share this post para maaksyonan naman ang kasalanan na hindi naman ko naman kagagawan. Sir RAFFY TULFO and PRES.RODRIGO DUTERTE imbestigahan nyo po ng mabuti ang kagagawan ng mga PDEA,INTELLIGENCE,AT POLICE sa kaso ko. Pakitext or tawagan nalang po si mama para sa agarang aksyon 09364436209.Thank you

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? How Much Money Do You Need to Be Happy? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel