Nanay ni Barbie Imperial, ipinagtanggol ang anak sa mga fans na nagalit sa paglabas nila ni Paul Salas

Nanay ni Barbie Imperial, ipinagtanggol ang anak sa mga fans na nagalit sa paglabas nila ni Paul Salas

- May mga fans na nagalit kay Barbie Imperial nang makita siyang lumabas kasama si Paul Salas

- Ito ay dahil gusto nilang si JM de Guzman lang palagi ang kasama niya

- Sumagot sa mga bashers ang ina ni Barbie na si Bing Imperial

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May mga fans ni JM de Guzman na nagalit kay Barbie Imperial nang makita siyang lumabas kasama ang rumored boyfriend niyang si Paul Salas.

Ito ay dahil gusto ng ilang fans na si JM lang palagi ang kasama ng aktres.

Nalaman ng KAMI na sinagot ng ina ni Barbie na si Bing Imperial ang mga bashers ng anak niya.

“Ilang buwan palang magkakikala si barbie and jm ano gusto mo? your opinion doesnt matter.

“Tinuruan ko anak ko na wag makalimot sa mga taong minahal sya at nagtiwala sakanya nung panahon na walang ganun sakanya. God bless you,” sinulat ni Bing.

Narito ang reactions ang netizens sa Fashion Pulis ukol sa pagsagot ni Bing:

“May point naman yung nanay. Pwede maangas si paul at mayabang pero inalagaan nya naman si barbie. Kelan lng naman nagkakilala si barbie at jm at nagsisimula pa lang halos ang lt nila kailangan na agad isumbat ng fans ang pakinabang nya kay jm? Pareho lang naman sila nagtulungan para umayos ang career”

“Mas lalo kitang mamahalin bie dahil di ka nagpa showbiz”

“Hay naku.. im a fan of jm and bie, pero minsan akala ng mommy nakakabuti pag pinagtatanggol ang anak. Pero minsan nkakasama rin. Lalo na kung mali ang mga words na ngamit or mali ung pagkaka construct ng sentence.”

“kaloka...kitid ng utak ng ibang viewers,they don't know the difference of real and reeel.. masyado affected sa mga delusions nila as if naman.”

“Ihiwalay kasi ang trabaho sa personal life ano ba yan itong mga fans na to gusto nilang iwan ng idol nila yung jowa niya para sa pansariling kilig nila huwag ganun.”

Sumikat si Barbie dahil sa lead role niya sa “Araw Gabi.”

Kasama nila Barbie at JM sa teleserye sila Phoebe Walker, Vina Morales, Rita Avela, Jane Oineza, RK Bagatsing, Raymond Bagatsing at Ara Mina.

Positibo rin ang reviews sa performance ng aktres sa serye.

Nagpapaalala ang KAMI na huwag maging judgmental kahit sa mga public figures at artista!

Today we will come to the streets of Philippines to ask people how much money they need per month to feel happy & comfortable. The HumanMeter team will go both to the poor & wealthy areas to get an objective picture. How Much Money Do You Need to Be Happy? – on HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel