Magkahiwalay ang magulang, Zaijan Jaranilla sumagot sa epekto nito

Magkahiwalay ang magulang, Zaijan Jaranilla sumagot sa epekto nito

- Ang nakasanayan ng lahat ng pamilya ay ang kompleto at magkasama ang mag-anak lalo na mga magulang.

- Pero hindi ito ang sitwasyon ng lahat dahil mayroong mga anak na magkahiwalay ang magulang.

- At ito nga ang kinalalagyan ni Zaijan Jaranilla na kilala sa pagiging child actor na ngayon ay binatang binata na.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lang ay nag-guest si Zaijan Jaranilla sa 'Tonight With Boy Abunda (TWBA)' sa Kapamilya network.

Unang naispitan ng KAMI ang video sa 'ABS-CBN' website.

Isa sa mga katanungan na tinanong ng award-winning host ay ang tungkol sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

Ayon sa talk show host, dahil marami din daw na mga bata ang nagmamasid sa kanilang pag-uusap kaya naitanong nya ito.

Ang tanong ni Tito Boy:

"Gaano ka ka-apektado na hindi magkasama/magkahiwalay ang iyong mga magulang?"

Ang sagot naman ni Zaijan:

"Sa totoo Tito Boy ginawa ko syang inspirasyon."

Dagdag pa ng binata:

"Natutunan ko po ito kay Tita Dimples. Mga pinagdadaan wag mong sarilinin, ibigay mo yan sa trabaho mo para mas mabuti ka pa."

Sabi din naman ni Boy na kahit magkahiwalay ang parents nya ay tuloy-tuloy naman din daw ang komunikasyon niya sa dalawa.

Pero hindi pa rin ikinaila ng batang aktor na gusto nya isang araw ay bubuin nya ang kanyang pamilya once mag-asawa daw siya dahil nga sa nangyari sa kanyang magulang.

Saad ni Zaijan:

"Lumaki po ako na hindi ko kasama yong mama ko. Wala kaming family pictures ganyan. Parang hindi ko naman gusto sa mga anak ko na paglaki nila wala silang makita na family pictures together."

Madali din namang nagcomment ang mga fans ni Zaijan at narito ang ilan sa kanila:

"Sensible sya sumagot at humble."
"Wowww my baby idol zaijan"
"Binata na si santino,,"
"Ai binata na talaga cya"

Unang nakilala si Zaijan Jaranilla at sumikat bilang child actor sa kanyang mga roles bilang 'Santino,' at 'May Bukas Pa.'

Ngayong taon na ito ay 17 years old na ang binatang aktor.

More BeKami YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel