Nakapanlulumo ang sitwasyon ng isang 99-year-old na matandang babae

Nakapanlulumo ang sitwasyon ng isang 99-year-old na matandang babae

- Isang estudyanteng netizen ang nagbahagi sa nakakalungkot at nakapanlulumo na sitwasyon ng isang matandang babae.

- Ayon sa kanyang kwento ay kasabayan daw niya sa jeep na sinasakyan nya ang matanda na nakilala nya di kalaunan na si Gng. Dominga Muñoz.

- Kukuha daw sana ang matanda ng pensyon nya sa munisipyo pero hindi nya nakuha dahil daw wala syang ID na nadala.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakalungkot isipin na kailangan pagdaanan na kahit sinong matanda ang ganitong sitwasyon na sana dapat ay hindi.

Nalaman ng KAMI ang kalunos-lunos na sitwasyon ng matanda sa netizen na si Mika Estrella dahil shinare nya ito sa Facebook account nya.

Ayon sa netizen na ang pangalan ay Mika Estrella, nakasabay daw nya si Lola Dominga Muñoz sa jeep sa San Jose Del Monte, Bulacan, ito'y ayon na din sa lugar na nakalagay sa FB nya.

Nasa unahan na daw siya ng jeep at nasa likod naman din daw si Lola Dominga.

Nakita nya si Lola na hindi makasakay noong una dahil na din sa katandaan at napakaraming pasahero daw noong oras na iyon pero ang nakakalungkot daw ay walang isang nagkusang tumulong sa matanda.

Kung hindi pa daw sinigawan ng driver ang ibang pasahero para tulungan ang matanda ay wala daw talagang tutulong.

At ayon din ni Mika na nasa unahan nga sya kaya hindi nya matulungan si Lola Dominga agad.

Timing daw dahil pareho sila ng bababaan ng matanda sa Sarmiento at masaya sya dahil matutulungan na nga nya daw ang matanda dahil sa sobrang katandaan na din ay nahihirapan na itong maglakad.

Nanginig pa daw si Lola Dominga noong akay-akay nya at noong naglalakad na daw sila ay naitanong nya sa matanda kung saan ito galing.

Sumagot din naman daw ang matanda at sabi galing daw sya ng munisipyo para kumuha ng pensyon.

Pero ayon sa 99-year-old na si Lola Dominga Muñoz ay hindi daw siya nakakuha dahil daw ay nakalimutan nyang dalhin ang ID nya.

Kaya dito naitanong ni Mika kung ilang taon na ang matanda at sumagot naman ito.

Pagkatapos nito ay nagsimula na din magtanong ang estudyante kung saan nakatira ang matanda pero dahil na din siguro sa katandaan ay makakalimutin na si Lola Dominga.

At ang tanging naalala lang daw niya ang katabi daw ang bahay nya sa isang simbahan ng Born Again.

Hindi din daw alam ng netizen kung saan ito pero patuloy pa rin daw ang kanilang paglalakad at humawak din naman daw si Lola sa braso nya kaya naman napansin nya na nanginginig ang matanda.

Tinanong nya ito kung kumain na ba daw ito at ang sagot ng matanda:

"Hindi pa ko kumakain dai simula kagabe kasi walang pera."

Pinapakain nya daw si Lola ayaw daw nito kaya pinabalot na lang nya ito at nakita naman din daw nya ang ngiti sa labi ng matanda noong ibinigay nya ang binalot na pagakain.

Sa tuwa daw ng matanda ay binigyan ito ng hikaw ng matanda.

Sobrang nanlumo at naluha si Mika dahil wala daw kasama si Lola Dominga sa bahay at sabi daw ng matanda ay may anak sya pero hindi na daw niya alam kung nasaan.

Dati daw ay magkasama sila ng kanyang anak pero umalis ito dahil sinasaktan sya ng kanya apo, pinapaso, at hinahampas daw sya kasi daw diumano'y may sakit sa utak ang anak ng anak nya.

Patay na din daw ang asawa nya.

Dahil nga sa sitwasyon ay naitanong ni Mika kung paano sya kumakain araw araw.

Sumagot daw ang matanda na:

"depende na lang dai sa bigay ng kapitbahay ko, pag hindi ako binigyan hindi ako makakain. Pag may pera naman na kaunti binibili ko na lang ng bigas at toyo para pang kain ko."

Doon daw sobrang nalungkot ang estudyante at lalong nalungkot siya noong tinanong nya paano daw ito nakapunta sa San Jose.

Ang sagot ni Lola Dominga ay:

"naglakad lang ako dai, nagtanong kung saan patungo yung daanan"

Pero hindi daw ito inintindi sa munisipyo ng San Jose pagkatapos maglakad ng layo-layo sa kadahilanan, diumano'y, nakalimutan ni Lola ang ID nya kaya wala syang nakuha na pensyon.

Ang gusto lang ni Mika Estrella ay matulungan si Lola Dominga Muñoz na 99 years old na ngayon.

Nag-hashtag pa ang dalaga para mapansin lang ang kwento ni Lola at tinag din nya ang 'Eat Bulaga' para mapansin si Lola at matulungan.

Sana nga ay matulungan natin si Lola at baka mayroon pa din siyang kamag-anak na makakatulong din sa kanya para hindi na siya mag-isa sa bahay.

Ang Facebook post na ito ay umabot na sa libu-libong share.

Kaya naman umaasa kami na mapansin ang kalagayan ng 99 years old na si Lola Dominga Muñoz.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel