Pinay OFW binugbog ng amo dahil lamang sa pagtangging maglinis ng 3 bahay na wala sa kontrata
- Umiiyak na humingi ng tulong ang isang Pinay OFW na minmaltrato di umano ng kanyang babaeng emplyer dahil sa pangtanggi nitong maglinis ng 3 bahay na wala naman sa kontrata
- Ayon sa kwento ng Pinay Domestic Helper, pilit pang kinukuha ng amo niyang babae ang kanyang cellphone dahilan para lalo siyang saktan nito
- Katwiran ng OFW, wala naman daw sa kontrata niya ang maglinis ng higit pa sa isang bahay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang Pinay OFW sa Saudi Arabia ang humihingi ng tulong mula sa OWWA sapagkay siya daw ay diumanong minamaltrato ng kanyang amo.
Nalaman ng KAMI na nagpost ng video ang Pinay OFW na humahagulhol dahil sa pananakit ng kanyang babaeng amo.
"Itong amo kong babae, nananakit pa ito. Ayoko kasi ibigay itong cellphone ko sa kanya. Please po tulungan niyo ako," wika ng OFW na noon ay nakakulong sa isang silid.
"Sasabihin ko isang bahay lang ang kontrata ko, sinasabi nila sa akin ipapahuli nila ako sa pulis," dagdag pa ng OFW.
Pinapalo, tinutulak, at dinuduro daw siya ng kanyang amo tuwing tumatanggi siyang linisin ang tatlo pang ibang bahay bukod sa bahay ng kanyang amo.
“Sasabihin ko isang bahay lang ang kontrata ko, sinasabi nila sa akin ipapahuli nila ako sa pulis” kwento pa ng OFW na siyang dumagdag pa lalo sa kanyang takot.
Narito ang video:
Samantala, labis na nag-aalala ang magulang ng OFW sa dinaranas ng kanyang anak. "Magulang ka, mararamdaman mo kung ano ginagawa sa anak mo. Nagsumikap lang naman ‘yung tao na makatulong sa asawa niya, sa anak niya,” wika ng nanay ng OFW.
Ayon kay Arnel Ignacio, Deputy Administrator ng OWWA, tutugunan nila ang agaran na pagrespunde sa hinaing ng Pinay na ito sa Saudi Arabia.
Harassment: the great fear of every woman. How would you define the harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh