Isang OFW ibinahagi ang nakakadismayang ugali ng mga Pinoy na tumatanggap ng pasalubong galing abroad

Isang OFW ibinahagi ang nakakadismayang ugali ng mga Pinoy na tumatanggap ng pasalubong galing abroad

- Isang OFW ang nagbahagi ng kanyang saloobin sa social media

- Kuwinento ni Raymond Lopez ang pagkadismaya sa mga hindi marunong magpahalaga sa natatanggap na pasalubong mula sa mga OFW

- Pinagusapan talaga ang kanyang post at nag-trending ito online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang OFW na si Raymond Lopez ang kanyang pagkadismaya sa ugali ng ibang Pinoy na hindi marunong magbigay halaga sa pasalubong na pinaghirapan ng mga kababayan nating OFW.

Nalaman ng KAMI na idinaan niya sa isang Facebook post ang kanyang saloobin at talagang marami ang naka-relate dito.

Sinimulan niya ang kanyang post sa madalas na madinig ng mga OFW tuwing magbibigay sila ng pasalubong sa mga kaanak o kaibigan, na inulat ng The Pinoy Insights.

"Minsan, nakakadala talagang magbigay ng pasalubong kapag nagbabalik-bayan ka, bigyan mo man sila o hindi, meron at meron silang masasabi sa'yo, na kesyo "ito lang", "nagbigay ka pa", "kuripot naman", "'yan ba 'yung abroad?", "tatlong-taon sa abroad heto na 'yun?".

"Una po sa lahat, hindi po nagbabalik-bayan ang isang OFW para bigyan o pasalubungan kayong lahat, walang obligasyon ang isang OFW na bigyan kayo ng mga tsokolate, sabon, pabango at kung anu-ano pa! umuuwi ang isang OFW hindi para magregalo, mamigay o magpamudmod ng kung ano. kundi, umuuwi sila para pansamantalang makapagpahinga, makapaglibang at makasama ang kani-kanilang pamilya't mahal sa buhay.

"Sana, subukan n'yo 'hong mag-abroad, para po maranasan n'yo rin ang mga sakripisyo namin, 'yung mga pagtitipid, pangungulila at kalungkutang nararanasan dito at ng mga kapwa-OFW namin sa buong mundo. Matuto po sana kayong magpasalamat o makuntento, dahil kahit papaano'y naabutan at naalala kayo nung tao."

Maraming netizens ang sumasang-ayon sa post ni Raymond at binahagi rin ang kani-kanyang karanasan patungkol dito.

Read some of the comments from netizens below:

Isang OFW ibinahagi ang nakakadismayang ugali ng mga Pinoy na tumatanggap ng pasalubong galing abroad

Isang OFW ibinahagi ang nakakadismayang ugali ng mga Pinoy na tumatanggap ng pasalubong galing abroad

Isang OFW ibinahagi ang nakakadismayang ugali ng mga Pinoy na tumatanggap ng pasalubong galing abroad

Isang OFW ibinahagi ang nakakadismayang ugali ng mga Pinoy na tumatanggap ng pasalubong galing abroad

Isang OFW ibinahagi ang nakakadismayang ugali ng mga Pinoy na tumatanggap ng pasalubong galing abroad

Isang OFW ibinahagi ang nakakadismayang ugali ng mga Pinoy na tumatanggap ng pasalubong galing abroad

Nais ipaalala ng KAMI na dapat tayong matuto magbigay ng halaga sa natatanggap natin, dahil lahat ng ito, maliit man o malaki, ay labis nilang pinaghihirapan mapasaya lang ang mga mahal sa buhay!

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Today we will come to the streets of Philippines to ask people how much money they need per month to feel happy and comfortable. The HumanMeter team will go both to the poor and wealthy areas to get an objective picture.

How Much Money Do You Need to Be Happy? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail

Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail

Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel