Ibinunyag ang pinagdaanan! Ciara Sotto, nagtrabaho bilang go-go dancer sa America

Ibinunyag ang pinagdaanan! Ciara Sotto, nagtrabaho bilang go-go dancer sa America

- Inamin ni Ciara Sotto na kinailangan niyang magtrabaho bilang go-go dancer habang nasa U.S.

- Meron daw nais patunayan si Ciara kaya mas pinili niyang manatili sa America kahit nahirapan

- Hindi ito alam ng kanyang pamilya noong una pero nung kalaunan ay nalaman at hindi nila ikinatuwa iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Ciara Sotto, minsan niyang naranasan maging go-go dancer habang nasa United Staes. Noong 2007, nanirahan siya sa U.S. upang subukan ang kanyang suwerte sa ibang bansa.

Meron daw siyang nakatakdang show na napurnada noong mga panahong iyon.

“I went to States, may offer na magso-show sa isang dinner and theater, pero hindi siya natuloy,” pagbabahagi niya.

“We were rehearsing every day.

“Ang daming rules: pag tumaba ka, may multa. Ganung level.

“Pero hindi nag-open yung lugar.”

Bahagi sana siya ng Fever na dapat ay itatanghal sa Melanja Sky hotel and restaurant sa Las Vegas, Nevada.

Dahil sa nangyari nahirapan siyang maka survive sa Amerika, may mga karanasan siyang pinagkapupulutan niya ng aral.

“It was hard.

“Nung akala ko ayoko na, ‘Uwi na ako,’ pero parang dun na-build ang character ko, nung nasa States ako.”

Kabilang sa kanyang mga naging trabaho ay pagiging go-go dancer.

“I had to prove myself. Hindi ko sinabi sa kanila,” pagbabahagi niya na nagtutukoy sa pamilya niya.

“Yung mga Amerikana ko na friends na nagwo-work sa mga club na go-go dancers, [tinanong ako], ‘You wanna come? It’s just an hour and you get a hundred dollars.’

"Sabi ko, ‘Really?’”

“And all you have to do is dance.”

Pumayag daw siya ngunit nabigla nang malaman ang tunay na trabaho ngunit hindi na daw siya nag back out.

“'Tapos pagdating ko dun, ‘Yeah, but you have to wear this.'

"Parang, ‘Oh, my gosh, no backing out na ‘to!’

Inilarawan pa nito ang kanilang costume habang nagsasayaw.

“So, naka-bra top kami na beaded, yung ganun."

Hindi iyon pinaalam ni Ciara sa pamilya at nang malaman nila ay hindi nila iyon ikinatuwa.

“Nalaman na lang nila after a while, pag-uwi ko.

“Siyempre hindi sila natuwa.

“Hindi nila alam yung time na, yun nga, nalaman na lang nila nung nakauwi na ako.

“Pero yun, itinuloy ko yun.

Kinailangan niya rin magbenta ng cell phone.

“'Tapos nagbenta rin ako ng cell phone.”

Sa kasalukuyan, aktibo siya sa pagtuturo ng pole dancing. Sa edad na 6, lumabas siya sa telebisyon sa pamamagitan ng Eat Bulaga!. Kasama niya sina Danica Sotto at Jocas de Leon na kanyang mga pinsan na lumalabas sa Eat Bulaga tuwing Saturday noong araw. Tinawag silang "Ang TVJ (Tito, Vic and Joey) Kids."

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel