Vice Ganda emosyonal na inamin ang isang bagay na ginawa niya noong kabataan pa para mapasaya lang ang ama

Vice Ganda emosyonal na inamin ang isang bagay na ginawa niya noong kabataan pa para mapasaya lang ang ama

- Ibinahagi ni Vice ang isang bagay na ginawa niya na ginawa lamang niya upang mapasaya ang kanyang ama

- Nag-try magkaroon ng girlfriend ang sikat na komedyante dahil iyon daw ang gusto ng tatay niya

- Kung may ipakikilala raw si Vice sa ama nito, iyon ay ang kanyang naging unang girlfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging napaka-emosyonal ng 7th anniversary episode ng Gandang Gabi Vice na naganap noong June 3.

Dito ibinahagi ng komedyante ang isang parte ng buhay niya na hindi niya ibinunyag noon.

Nagkaroon pala si Vice ng girlfriend noon. Ito'y hindi dahil gusto talaga niya kundi para lang mapasaya ang kanyang ama.

“Siguro kung makakausap ko siya ngayon, ang itatatnong ko ‘Tay, ano po ang gusto niyo sabihin sa ‘kin?’ Kasi gusto ko malaman kung ano ang nasa isip niya. Kung ano ang nararamdaman niya.”

Dagdag pa ni Vice na kung nabubuhay daw ang kanyang ama ngayon, handa raw si Vice na ipakilala ang kanyang naging girlfriend.

“Kung may ipapakilala po ako sa tatay ko na dati kong minahal, yun po yung una kong girlfriend. Gusto kong ipakilala sa kanya yun para sabihin na sinubukan kong mag-girlfriend noong panahon na yun. Kung nabubuhay siya at nakikita niya ako, sinubukan kong mag-girlfriend kahit na hindi naman ako masyadong masaya doon kasi gusto ko siyang maging masaya. Kasi yun ang gusto niya,” kuwento ni Vice.

“Kaya gusto kong ipakilala sa kanya yun kasi gusto ko sabihin na ‘Tay, ti-nry ko naman gawin ang gusto niyo’ Kasi gusto ko kayong mapasaya’ Pero bakla talaga ako,” saad ni Vice.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel