Nalungkot ang mga tagahanga ng ibinahagi ni Ciara Sotto ang annulment niya sa ex-husband

Nalungkot ang mga tagahanga ng ibinahagi ni Ciara Sotto ang annulment niya sa ex-husband

- Nalaman ng KAMI na inamin ng anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa na si Ciara Sotto na nasa proseso na daw ito ng annulment ngayon.

- Ito ay ang kasal nya sa kanyang hiniwalayan na asawa na si Jojo Oconer o mas kilala din sa pangalan na Joe.

- Ibinahagi ni Ciara ang nasabing status ng kanyang relasyon sa asawa noong May 30 sa isang episode ng 'Tunay Na Buhay' sa 'Kapuso Network.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Ciara Sotto sa panayam ng 'PEP:'

“We’re in the middle of, yun nga, annulment."

Medyo umiiwas ang aktres sa pagbigay ng detalye tungkol dito at aniya:

"Pero yun lang sana... siguro I don’t wanna talk about that first."

Hindi dinitalye pa nya ang mga pangyayari ng tinanong tungkol sa estado ng kanyang kasal sa ex-husband nya.

Sa pagpapatuloy na bahagi ni Ciara ay sinabi nito na sa ngayon daw ay free at single siya at okay sya at mas maligaya daw.

“Pero right now, I’m free, I’m single, and I’m fine and I’m happier.”

Kinumpirma din nya na nakikita parin daw ng ex-husband nya ang kanilang anak.

Ayon pa kay Ciara:

“He sees him and they spend time together. They bond."

Pagdidiin ni Ciara tungkol sa importansya ng kanyang anak na magkaroon ng relasyon sa kanyang daddy.

“I think it’s important din naman that he has a relationship with his dad.”

Nagbahagi naman ng emosyunal na mensahe ang ina ni Ciara at sinabing:

“I know that God is in your heart every day of your life, so don’t worry, anak."

Dugtong pa ni Ms. Helen Gamboa:

“I know how sincere you are, how honest you are…I’m sorry kung napapaiyak ako, anak, kasi I know what you’ve been through.Pero alam kong magiging maligaya ka pa rin, anak.Don’t worry, and me, as your mom, I’ll always be with you.”

Ikinasal si Ciara Sotto at Joe Oconer noong 2010 at isinilang din ni Ciara ang anak nila na si Crixus noong Marso ng 2015.

Noong January ng 2016 ay kinumpirma ng aktres ang pag-alis nya sa bahay nila ni Joe at bumalik sa kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Ayon sa balita, third party daw ang dahilan ng paghihiwalay umano ng mag-asawa.

Check out more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Imelda Marcos and Margie Moran exude ageless beauty with their recreation of iconic photo

Imelda Marcos and Margie Moran exude ageless beauty with their recreation of iconic photo

Imelda Marcos and Margie Moran exude ageless beauty with their recreation of iconic photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel