Video ng batang nag-ala 'superhero' na nakaligtas sa pagkakabangga, nag-viral at umabot na sa 2 milyon na views

Video ng batang nag-ala 'superhero' na nakaligtas sa pagkakabangga, nag-viral at umabot na sa 2 milyon na views

- Nakunan ng cctv kung paano ang 2 batang tumakbo patawid ay nakaligtas sa muntikan nang pagkakabangga

- Tila isang 'stunt' sa pelikula ng isang superhero ang ginawa ng isa sa 2 bata kung saan siya ay nakaligtas nang muntik na itong magulungan ng kotse

- Nag-viral video dahil sa dami ng namangha sa ginawa ng bata na umabot nang 2 million views

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral ang video na na-upload ni Jin Marquez Dela Torre kung saan nakunan ng CCTV kung paano nakaligtas ang isang bata sa muntikan nang pagkakabangga.

Nalaman ng KAMI na bigla na lamang sumulpot ang 2 batang tila naghahabulan nang biglang may paparating na isang kotse.

Ayon sa nagsasalaysay, hihilahin sana ng isang batang lalaki ang kasama niya dahil nga sa paparating na sasakyan.

Nadapa ang batang hihila at magliligtas sana sa kasama niya nang biglang dumaan na ang kotse at muntik nang magulungan ang bata.

Himala na walang nangyare sa bata at nakatayo pa ito. Di lang iyon, may paparating na motor na may sidecar at himalang nakatakabo pa rin ang bata na parang walang nangyari.

Tila isang eksena sa pelikula ang naganap na parang 'stunt' ng Superhero ang ginawa ng nakaligtas na bata.

Narito ang video:

Sa ngayon, umabot na 2 milyon views ang video at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"Nakita nmn nung driver eh hindi manlang huminto lumiko pa nga xa ng konti para di magulungan yung bata"

"GALING NGA NYA O PARANG SUPERHERO"

"Nagpumiglas? Ang alam ko hinabol tapos hindi nya nahawakan kaya nadapa ang humabol na superhero hehehe....natawa lng ako dun sa babae na nagvovoice over sa pangyayari."

"Parang dun ako nka focus sa nag salita eh hahahaha"

"Buti na lang may instinct ang bata. Alam nia gagawin nia. Nung nadapa xa. Binaluktot nia katawan nia pero d xa tumayo. Thank god"

Samantala, mapapansin din na natulala at tila namangha rin ang isang lalaki na dumaan sa ginawa ng bata. Kita sa video na parang di pa makapaniwala ang lalaki sa ginawang pagkakaligtas ng bata na muntik nang mabannga.

Harassment: the great fear of every woman. How would you define the harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel